"Anong dahilan?" Hindi ko mawari kung ngingiti ako sa tanong ni Sir Ken. Kaming dalawa na lang ang nasa maliit na silid na 'to. Make up classroom daw ito noon, ginawa na lang na silid para sa mga back subject. "Napabayaan." Sabi ko at inayos ang mga gamit ko na nilalagay sa bag ko ngayon. "As what I saw, you're not that kind of girl. Miss Chavez, you're way smarter than I knew." Sabi niya na ikinalingon ko. Nagtataka naman ako. "I am a keen observer, Miss Chavez. Nakikita ko ang hindi nakikita ng ibang tao." Napabuntong hininga ako at tumayo, "Sir, sa ngayon kasi iyon lang ang masasabi ko. Napabayaan ko ang mga ikinabagsak kong subject dahil sa pagiging tanga ko..." Napaawang ang labi niya, maputi si Sir... Singkitin ang mga mata. Tulad ng akin. Pero hindi ko rin maipagkakaila ang

