23

1690 Words

"Anya!" Halos tumalon sina Ate Ka at Girlie nang makita akong pumapasok sa loob ng Store ni Mama. Napangiti na lang ako't niyakap sila isa-isa. Natutuwa ako, kasi sa wakas nakauwi na rin ako. Ilang buwan ba naman ang tiniis ko bago nangyari 'to. "Ganda-ganda mo na, mas lalo kang gumanda. At bagay sa'yo yang bago mong hair." Kindat ni girlie saka pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko. Napangiti na lang ulit ako at kinamusta sila. Parang naninibago ako sa nangyayari at sa paligid. Hindi ko na kasi matandaan kung ano ang itsura nito noon. "Ikaw kasi! Bakit nag-Maynila ka? Yan tuloy, ang lungkot-lungkot nang buhay namin." Nguso ni Girlie. Umiling lang ako at kumuha ng tubig bago uminom. "Kailangan e, alam niyo naman kung paano ako bumagsak sa halos lahat ng subject." "O-oorr... Ah, wala."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD