CHAPTER 2

1545 Words
KINABUKASAN, alas diyes na nang magising ako hindi naman kasi ako ngayon magbubukas ng photoshop kaya ayos lang kahit tanghaliin ako nang gising. Kaagad na akong umahon mula sa kama at inayos ko muna ang higaan ko bago gumayak. Minuto ang lumipas ay tapos na ako sa pag-aasikaso ng sarilli ko kaya lumabas na agad ako ng kwarto at bumaba upang makapag almusal. "Good morning, Ate Tors!" magiting na bati agad sa akin ng isa sa kambal kong kapatid na si Hansel. "Na prepare ko na po ang breakfast ninyo, eat na po kayo," saad niya. "Wow, salamat, Han-han," pasalamat ko naman agad sa kapatid sabay upo sa upuan. "Ate, after mong kumain and everything sunod na tayo sa karinderya ha? Nag text kasi sa akin si twinny," wika niya sa akin at ang tukoy nitong twinny ay si Hazel. "Sige pagkatapos kong kumain aalis na agad tayo," tugon ko naman agad at nagpaalam na ito sa akin dahil gagayak pa ito. Napangiti ako nang makita ko ang mga nakahanda sa mesa dahil lahat iyon ay paborito ko at alam kong si Hansel lahat ang naghanda nito. Hansel is a sweet young lady and bubbly at the same while Hazel is a serious one but she's also sweet. Kambal nga sila pero magkaiba ang ugali nila pati sa pananaw sa buhay si Hansel kasi gusto sa bahay lang palagi para raw pumuti siya at mas lalong gumanda. Samantalang si Hazel naman ay tumutulong kay Nanay sa aming karinderya na malapit lang din naman sa aming bahay magmula kasi nu'ng iwan kami ni Tatay ay nag desisyon si Nanay na magtayo ng maliit karinderya para may pagkukunan kami sa araw-araw. At nang makapagtapos ako ng pag-aaral at nakapagpatayo ng photoshop ay tinulungan ko si Nanay sa pagpapalago ng aming negosyo. At ngayon nga ay malaki na ito at may dalawang katulong na rin sila roon ni Hazel. "Tao po, tao po." Kaagad naman akong napatayo mula sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ng nangangapit bahay. "Ay, Tori Marie magandang umaga sa'yo hija, nasaan ang Nanay mo?" bati sa akin ni Tita Cora na siyang ninang ng mga kambal at best friend din ni Nanay. "Good morning po, Tita wala na po rito si Nanay, e, kami na lang po ni Han-han ang nandito," pagpapa alam ko naman sa kanya. "Bakit po ba sana?" tanong ko pa. "Ano kasi, Tori y-yung Tito Waldo mo kasi kailangan kong piyansahan," nahihiyang tugon naman nito, ang tukoy niyang Waldo ay asawa niyang basagulero. At malamang sa malamang ay nasangkot na naman ito sa gulo. Hindi na natuto. "Puntahan niyo na lang po si Nanay sa karinderya, Tita," utos ko na lamang sa Ginang. "Busy naman ang Nanay mo, Tori Marie, kaya kung pwede sana sa'yo na lang ako humingi ng tulong," tugon niya sa nahihiya pa ring boses. I sighed. "E, Tita wala po akong cash ngayon kasi hindi po ako nakapag withdraw." Sa tuwing nakukulong kasi ang asawa nito ay si Nanay palagi ang hinihiraman niya ng pera. Siguro nahiya na nga ito kay Nanay kaya sa akin naman siya manghihiram. "Ay hindi pera ang hihiramin ko, Tori iba sana ang ipapakiusap ko sa'yo," nauutal nitong tugon sa akin, na ikinalukot naman agad ng noo ko. "E, ano po pala, Tita?" tanong ko habang lukot pa rin ang noo. "Makikiusap sana ako kung pwedeng ikaw muna ang sumundo sa Tito Waldo mo sa presinto, kasi si Iya nasa hospital dahil ngayon ang araw ng panganganak niya." "Ano?!" histerical ko namang tanong agad sa kanya. "Pasensiya ka na talaga, Tori wala na kasi ako ibang mapakiusapan," nahihiya at nagsusumamong saad pa niya. Alam naman ng Ginang na ito na ayaw na ayaw kong umapak sa police station pero heto siya't nangungulit. "Tori, sige na naman oh kahit ngayon lang," pakiusap pa niya. Pumakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago tuluyang pumayag sa kagustuhan niya. Kung hindi lang talaga siya best friend ng nanay ko ay hindi ko talaga siya pagbibigyan. "Sige po pero, Tita Cora pero ito na po sana ang una at huling pakiusap ninyo sa akin," prangka kong sabi sa kanya. "Oo, Tori Marie pangako 'yan. Alam ko naman kasing ayaw mong pumunta ng police station e." Buti naman at alam niya. Kaagad ng inabot sa akin ni Tita Cora ang sobre kung saan nakalagay doon ang pampiyansa kay Tito Waldo. "Maraming salamat ulit, Tori ha?" pasalamat niya, at isang tango naman agad ang tinugon ko rito. Pagkuwa'y nagpaalam na rin itong umalis dahil baka raw mag la-labor na ang anak niyang si Iya na matalik ko ring kaibigan. "Are you done, Ate?" tanong ni Hansel ng makababa na ito mula sa hagdan. "Mauna ka na sa tindahan, Han-han kailangan ko pa kasing sunduin ang Ninong Waldo mo sa presinto," tugon ko sa kanya. "What?" bulalas nitong tanong sa akin. "Pumunta rito sa Ninang Cora mo nakiusap sa akin na kung pwede ay sunduin ko raw si Tito Waldo," kwento ko pa sa kanya. "Are you sure na aapak ka sa police station?" dudang tanong pa niya. "Yes, Han kapanganakan din kasi ngayon ni Iya kaya walang ma pakiusapang iba ang Ninang Cora mo," tugon ko naman. "Okay basta after mong sunduin si Ninong Waldo sa presinto deritso ka agad sa karinderya ha?" sabi pa nito sa akin. "Oo naman sige na mauna ka na at hinihintay ka na nina Nanay at Zel sa karinderya, " utos ko na rito. "Okay, Ate bye love you, " paalam na nito sa akin. "Love you too, Han-han ko, " matamis na tugon ko rin sa kapatid at saka na ito tuluyang umalis. Niligpit ko muna ang pinagkainan ko at naglinis saglit sa kusina at dining area bago tuluyang umalis. Nang tuluyan ko ng marating ang Police Station sa Kantong Pulang-pula ay napabuntong hininga pa muna ako ng ilang beses bago tuluyang bumaba mula sa motor ko. "Good morning po, Ma'am!" bati sa akin ng isang pulis habang papasok ako sa loob ng police station, isang magalang na tango lamang ang tinugon ko sa kanya. "Good morning po, Sir!" magalang kong bati sa isang lalaking pulis na nakapwesto sa isang mesa. "Good morning po, Ma'am ano po ang sadya natin?" ganting bati naman agad niya sabay tanong sa tunay kong pakay. "Nandito po ako para kay Oswaldo Reyes," tugon ko naman agad. "Pakisulat po muna rito ang pangalan, edad, at lugar ninyo, Ma'am. " Kaagad nitong inabot sa akin ang ballpen upang makasulat ako sa papel na nasa mesa. "De Mevius, ikaw muna rito kay Ma'am, " dinig kong utos nito sa kung sinuman samantalang ako ay tuloy lang sa pagsusulat. "Ikaw!" Kaagad nama akong napaangat ng mukha dahil sa lakas ng boses ng isang pulis. Ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang pagmumukha ng pulis na nasa aking harapan dahil siya lang naman ang huhuli sana sa akin kagabi sa bar nina King. "I-ikaw nga," pag-uulit pa nito sa kanyang nauutal niyang wika at tinuro pa ako nito. "What's the matter, De Mevius?" tanong naman sa kanya ng isang pulis. At bago pa man makasagot ang pulis na nasa harapan ko ay pinukol ko na ito ng matalim na tingin pinaningkitan ko pa talaga siya ng mga mata. Subukan niya lang talagang magsumbong ngayon dahil hindi ako magdadalawang isip naisaksak sa mata niya ang ballpen kong hawak. "May problema ka ba kay, Ma'am?" tanong sa kanya ulit ng isang pulis. "S-siya. Siya 'yung may lahing aswang sa kabilang kanto," kandautal-utal niyang tugon sa kinakabahan nitong bose, na ikinainis ko naman agad sa kanya. Nakuha ko nga siya sa tingin pero palpak pa rin ang nasambit niya. Sa ganda kong 'to may lahi pa talaga akong aswang. Baliw yata ang pulis na ito, e! "Excuse me?" mataray kong tanong sa kanya sa may kalakasan kong boses. "Ehem, te-teka lang po, Ma'am ha? Chill lang po tayo," pagpapakalma naman sa akin ng pulis. "Chill lang po ako, Sir nandito lang naman po talaga ako para piyansahan si Oswaldo Reyes," pagtutumbok ko na lamang sa nais ko, at hindi ko na pinansin pa ang pulis na tinatawag nitong De Mevius. Kaagad naman akong sinunod ng pulis at kaagad ko na ring binigay perang pampiyansa kay Tito Oswaldo. Hindi nagtagal ay nakalabas na rin si Tito Oswaldo at kaagad na rin kaming lumabas ng police station dahil kung makatingin sa akin 'yong si De Mevius ay tagos sa kaluluwa ko. Badtrip lang! Hinding-hindi na talaga ako babalik ng police station. "Tori, salamat ha?" pasalamat sa akin ni Tito Waldo. "Walang anuman po, Tito Waldo pero sana naman po ito na ang huling beses na makulong ka dito sa Police Station ng Kantong Pulang-lupa," pangaral ko pa kay Tito Waldo, mukhang suki na kasi siya rito, e. "Pasensiya ka na, Tori ha kung naabala ka pa huwag kang mag-alala hindi na mauulit," nahihiyang tugon naman niya sa akin. "Sige po puntahan niyo na sina Iya at Tita Cora sa hospital tutuloy na rin po ako," sabi ko pa at nagpaalam na rin ako sa kanya. "Sige mag-iingat ka, Tori salamat ulit," pasalamat pa ulit ni Tito Waldo sa akin. Pagkaalis ni Tito Waldo ay tumuloy na rin ako baka kasi marami ng tao sa karinderya dahil magtatanghali na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD