bc

A Wrong Surrender (Civil Servant's Love Series)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
5.7K
READ
fated
playboy
goodgirl
police
drama
comedy
bxg
city
first love
passionate
like
intro-logo
Blurb

Falling inlove to a policeman is cursed for Tori Marie but her perspective about man in uniform will change when she met Police Officer One- Draven De Mevius.

Binago ng binata ang kanyang pananaw tungkol sa pulis at buong puso niyang tinanggap at minahal si Draven. Ngunit nang minsan itong nadestino sa ibang lugar ay nakalimutan na rin siya nito na labis niyang ikinadurog at para sa kanya ay isang pagkakamali na minsan niyang sinuko ang kanyang tiwala at pagmamahal sa binata.

Ilang taon ang lumipas ay muling nagpakita sa kanya ang binata, handa nga ba siyang tanggapin ulit ito o, habang buhay niya na itong isusumpa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 Tori Marie Ramos
"Paano, Tori mauuna na kami ni Rico ha? May pupuntahan pa kasi kami, e," paalam sa akin ng pinsan kong si Charee pagkatapos namin isara ang Photoshop ko. "Ayaw mo ba talagang sumama sa amin?" tanong pa niya sabay lapit sa pwesto ni Rico na siyang nobyo niya. I chuckled. "Sira! Tapos anong gagawin ko sa date niyo taga picture, ganun?" tanong ko sa natatawa ko pa ring boses. "Grabe siya! Siyempre kakain at sasama sa pag hahappy-happy namin ni Baby," kinikilig pa nitong tugon, "Oo nga naman, Tori sumama ka na malay mo mahanap mo na this time ang babe mo," gatong naman ni Rico sa sinabi ng nobya niya. "Hoy, Rico! Kung ayaw mong kamunghian ulit kita dahil sa propesyon na meron ka huwag mo akong binubugaw na pulis ka," mataray kong tugon rito at napakamot na lamang ito ng kanyang ulo. Sa dami ba naman kasi ng trabaho sa mundong ibabaw pagiging Pulis pa talaga ang napili niya. Huwag na huwag lang talaga niyang maloko-loko 'tong pinsan s***h best friend ko dahil hindi talaga ako magdadalawang isip na i posas siya sa puno ng balete. Galit kasi ako sa mga Pulis ay hindi pala dahil talagang sinusumpa ko sila. At kasalanan ito ng magaling kong Tatay sa kanya nagsimula ang lahat dahil sa pagiging pulis niya ay nangibang bahay din siya mas pinili niya ang babae niya kesa aming tunay niyang pamilya. Nakakag*go lang 'di ba? I was a Daddy's girl before, pero dahil sa ginawa niya ay nagbago ang paningin ko sa kanya. I was just twelve years old when he cheated on my Mom and the next I know is he left us for his f*****g mistress. (Flashback) "Walang hiya ka, Apollo! Kung kailan maayos at malalaki na ang mga anak natin ay saka ka pa talaga lumandi!" nanggigigil noong sumbat ni Nanay sa aming ama. "Hindi ka man lang nahiya sa mga anak mo mga babae pa naman din!" dagdag pa ni Nanay sa galit nitong boses. "Ngayong alam ko na ang katarantaduhan mo, Apollo. Mamili ka na ngayon din kami na pamilya mo o, ang p*tanginang kabit mo?!" Tuluyan na akong lumabas noon mula sa kwarto namin ng mga kapatid ko upang pigilan ang away ng mga magulang ko. "Nanay, tama na po," umiiyak kong pakiusap noon kay Nanay, at kaagad naman silang napatingin sa akin. "Pasensiya ka na, Tori Marie pero kailangan ko ng papiliin ang ama mo dahil ayokong magsisi sa huli at higit sa lahat ay ayokong magdusa tayong lahat dahil sa kagagawan ng ama mo," maawtoridad na sabi noon sa akin ni Mama. Binalingan ko noon ng tingin ang aking ama at nagsusumamo ang aking mga mata. "Tatay, huwag ka pong umalis patatawarin ka po namin huwag ka lang pong umalis." "Pupunta pa po kayo sa graduation ko 'di ba? Tapos isasayaw niyo pa po ako sa debut ko 'di ba, Tay? Nag promise po kayo sa akin, e," magkakasunod ko noong sabi sa ama sa nagsusumamo kong boses at humahagulhol na rin ako ng iyak noon. Ang isiping iwan kami ni Tatay ay hindi ko kaya dahil kung may tao mang palaging nandiyan para ipagtanggol ako sa lahat ay siya 'yon. "Tatay dito ka na lang po," nagsusumamong saad ko pa rin sabay lapit sa ama. "Tulog na po tayo, Tatay kwentuhan niyo na po kami nina Hazel at Hansel ng alamat." Hinila ko pa noon ang kamay niya para pumasok sa kwarto naming magkakapatid para kwentuhan niya na kami ng alamat. Pero hindi ako pinagbigyan ng aking ama dahil binawi niya ang kanyang kamay at umiling-iling na tumingin sa akin. "Tatay, bakit po?" tanong ko. "Tori, anak ihuhulog ko na lang sustento ko sa inyo sa passbook ninyo buwan-buwan." "Ano pong ibig niyong sabihin, Tay?" tanong ko, dahil hindi ko pa noon lubusang maintindihan ang sinasabi ni Tatay. "Hindi tayo ang pinipili niya, Tori Marie, mas mahalaga sa kanya ang sarap sa kama kesa sa responsibilidad niya, " galit na sabat noon ni Mama sa akin ngunit ang kanyang mga mata ay nasa aking ama. "Tatay..." hagulhol kong tawag noon sa ama ngunit hindi man lang ito nakinig sa pakiusap ko. Hinabol ko pa ito hanggang sa gate ng bahay namin pero hindi na ako nito pinansin dahil nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad palabas ng aming bahay. "Tatay!" nagmamakaawa kong sigaw noon sa aking ama. "Tahan na, anak," pang-aalo na lamang sa akin noon ni Mama nang lumapit ito sa akin. "Babalik pa naman po si Tatay bukas 'di ba, Nay?" tanong ko noon sa aking ina, at sa kuna-unahang pagkakataon ay doon ko lang nakitang umiyak si Mama. "Panganay ko, sanayin mo na ang sarilli mong tayong apat na lang ng mga kapatid mo ang magkakasama pangako hindi ko kayo pababayaan," nangangakong saad noon sa akin ng ina. (End of flashback) That was my first heartbreak, nakakalungkot lang dahil ang lalaking bumuo sa akin at ang lalaking kadugo ko ay siya pa ang unang nakasakit ng damdamin ko kaya simula nu'n ay galit na galit na ako sa mga Pulis dahil para sa akin lahat sila ay pare-parehas lang. Mabuti na lang talaga at matalino ang Nanay ko dahil nag file siya ng annulment at pagkatapos ng ilang taon ay na grant din 'yon but after three or five months my father died. At kahit galit na galit ako sa kanya nalungkot pa rin ako dahil patay na siya nakiburol ako ng isang gabi at pagkatapos nu'n ay hindi na ulit na sundan pa hanggang sa nailibing na siya ng tuluyan. Ngayon ay tatlong taon na siyang patay pero ang sakit na naranasan ko noon sa kanya ay hindi namatay dahil nanatili ito sa aking puso at hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba ang sakit na pinaramdam sa akin ng sarilli kong ama. "Sige na umalis na kayo't baka gabihin pa kayo at maulanan," pagtataboy ko na sa kanila, dahil alam kong kukulitin lang din naman nila ako. "Ayaw mo ba, talaga?" tanong pa ulit sa akin ni Charee. Kulit talaga ng babaeng 'to! "A-YO-KO!" tugon ko at diniinan ko talaga bawat salita para ma gets na nila. "Fine, basta mag-iingat ka pauwi ha?" bilin nito sa akin. "Kayo rin," bilin ko rin sa kanila at saka na sila tuluyang umalis. Tinungo ko na rin ang kinaroroonan ng aking BMW bike sinuot ko muna ang helmet ko saka sumakay at kaagad ko na itong pinaharurot patungo sa isang bar na malapit lang sa village namin. Babae ako pero mahilig akong uminom pero hindi naman ako nagpapakalasing dahil nag m-motor lang ako. Mahal ko pa buhay ko no? Kaya dapat saktong inom lang. Minuto ang lumipas ay nakarating na ako bar hindi pansinin ang bar na ito kaya dito ako palagi kasi konti lang ang tao at sakto lang din ang ingay. Pagkapark ko ng motor ay pumasok na agad ako sa loob. "Tori!" tawag agad sa akin ni pareng King pagpasok ko. "Uy, pareng King!" bati ko rin sa kanya at nag high five pa kaming dalawa Simula ng mapadpad ako rito sa bar nila ay naging suki na ako at isa na si King sa mga ka close ko rito. Mababait naman kasi ang mga trabahante rito pati na ang may-ari pala kaibigan silang lahat. "Oh alam mo na ha?" wika ko sabay tapik sa balikat niya, at isang tango naman agad ang tinugon nito sa akin. Alam na alam na nito ang order kung kaya't hindi na ako nagsasayang pa ng laway upang ibulalas ang order ko. Hindi nagtagal ay binigay na rin ni King ang order ko at mukhang dinagdagan pa niya ang alak na nasa bucket. "Aba! Mukhang asensado tayo ngayon ah," puna ko. "Hindi pa free lang kasi palagi kang nandito e," tugon naman niya. "Salamat!" pasalamat ko na lang at kaagad na rin ako niton iniwang mag-isa. Kaagad na akong tumungga hanggang sa maka tatlong bote na ako medyo natatamaan na ako ng alak at namumula na rin pero malinaw pa naman ang vision ko at alam kong yakang-yaka ko pang mag drive. Kasalukuyan kong sinasaid ang laman ng bote ng bigla akong may narinig na wang-wang mula sa patrol. Kaagad na na alarma ang mga tao sa loob pati na ang may-ari pero hindi man lang ito umepekto sa akin. "Walang gagalaw!" sigaw ng isang pulis. Nagsitigil naman ang lahat dahil sa takot pero ako ay patuloy lang sa pag-inom at parang walang narinig. Pakialam ko! "Excuse me, Ms, aware ka ba na walang permit itong bar na iniinuman mo?" tanong sa akin ng isang matikas na pulis. "Aba'y malay ko, Sir e, costumer lang naman ako rito," pasupladang tugon ko. Ang g*go kasi ng tanong niya. "Pwes, Ms walang permit itong bar na iniinuman mo at labag iyon sa batas," paliwanag pa niya. Pakialam ko ba! "Isama silang lahat sa presinto!" utos ng isang Pulis, kung kaya't nagsitakbuhan na ang mga tao. Pati ako ay tumayo na rin mula sa bench at tatakbo na sana ako ng bigla akong hawakan ng pulis sa aking kaliwang braso. "Ms, sumama ka sa amin," sabi pa niya. Asa siya! Dahil ang umapak sa police station ay hindi ko pinangarap. "Ayoko!" pasigaw kong tugon, at tatanggalin ko na sana ang braso kong hawak niya ngunit hinigpitan niya ang pagkakahawak. "Ah letse!" mura ko, sabay dampot ng bote sa mesa at pinukpok sa ulo niya. Kaya kaagad niya akong nabitawan at kumaripas na agad ako ng takbo saka dali-dali akong sumakay sa motor at pinaharurot ko ito pauwi. Narinig ko pa itong tumawag sa akin ngunit hindi ko na iyon binigyang pansin. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko ay limang minuto lang narating ko na ang bahay. Hingal na hingal ako pagkababa ko ng motor tila nawala ang tama ko sa alak. "Pst, Tori Marie!" Kaagad akong napalingon sa tumawag sa akin. Paglingon ko ay ang kababata ko pa lang si Joey. "Oh, Joey, kamusta?" tanong ko sa hinihingal kong boses. "Ikaw ang kamusta, saan ka ba galing at sinong hitler ang humahabol sa'yo?" magkakasunod niyang tanong, habang nakakunot ang noo niya. "Pulis," simpleng tugon ko. "Pambihira! E, bakit naman anong ginawa mo nanaksak ka ba o, ano?" "Pambihira ka rin! Nahuli kasi yung bar na ininuman ko na walang permit kaya ayun hinuli nila pati costumer damay pa kaya tumakas ako," litanya ko. "Ibang klase ka talaga, Tori Marie hindi halatang takot ka sa pulis," natatawang saad pa niya. "For your information, Joey hindi ako takot, allergic ako kamo sa mga pulis patola na iyan," pagtatama ko sa sinabi nito. "Oh ano e, inom na lang natin ulit iyan," pag-aya pa niya sa akin. "Ayoko na, matutulog na ako tsaka naka tatlo't kalahating bote na rin ako, e," tanggi ko. "Asus! Konti pa lang naman pala," turan pa niya. "Nawalan na ako ng gana sige na pasok na ako," paalam ko na sa kanya, at pumasok na ako tuluyan sa loob ng aming bahay. Tahimik na ang buong bahay at tanging nasa kusina na lang bukas na ilaw umakyat na lamang ako ng hagdan upang tungohin ang aking kwarto para makatulog na ako. Pagpasok ko nga ng kwarto ay padaskol akong humiga sa aking kama dahil sa labis na pagod sa buong araw. Ang dami ko kasing tinapos na prenup videos at mga niresize na mga pictures. Kilala kasi ang photoshop ko dahil sa aking galing ko sa pagkuha ng mga litrato at paggawa ng mga prenup videos kaya hindi rin kami nawawalan ng costumer sa bawat araw. Actually there's a story behind, why I became a photographer it is because I love to take pictures. And a simple pictures can tell hundreds or thousands memories. I love taking pictures of people who are smiling together with their family or friends. Gusto ko kasing maging memorable sa bawat tao ang ang bawat ngiti at tawa nila. Marahil lumipas man ang panahon at makalimot man ang ating isipan pero may isang bagay na magpapapalala sa atin ng masasayang ala-ala natin sa buhay sa pamamagitan ng isang litrato. Kaya nga ang mga litrato namin mula pagkabata ay tinatago ko lalo na ang mga litratong kasama pa namin si Tatay. Dahil ang mga litrato namin kasama siya ang minsang nagpatunay na nakasama namin siya at minsang naging masaya ang aming pamilya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook