"Bakit diyan ka daraan sa likuran, Riley? Hindi ba't may trabaho ka pa pagkatapos ng trabaho mo rito sa hacienda?" takang tanong ni Ate Andeng nang sa halip ay sa main gate ako dumaan ay lumiko ako upang sa likod ng mansion dumaan.
Tipid ko siyang nginitian. "Ah, kasi ano, Ate. . ."
Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na kaya roon ako sa likod daraan ay dahil may pinagtataguan ako.
"May pinagtataguan ka ba?"
My eyes widened out of shock upon hearing her question. Mabilis akong umiling at kinakabahang ngumiti. "W-Wala naman! Sino namang pagtataguan ko, Ate, 'di ba? Ano ka va naman," agad na tanggi ko.
Saglit na nagsalubong ang kilay niya kaya't akala ko ay hindi siya naniniwala ngunit kapagkuwan ay nagkibit balikat siya. "Okay, sabi mo, e," tanging sambit niya.
Agad na sumilay ang ngiti sa aking labi bago siya kinawayan. "Sige na, Ate. Mauuna na ako sa 'yo. Kapag tinanong ka ni Nanay, sabihin mo, narito lang ako, huh?"
"Oo na, oo na. Ingat ka sa trabaho, ha? Pati sa pag-uwi, mag-ingat ka. Mahirap na ang maging mag-isa sa panahon na 'to," paalala niya kaya't malapad akong ngumiti sa kaniya at masiglang kumaway.
"Sige, Ate. Kitakits nalang bukas!" paalam ko. Tumango naman siya kaya't tumalikod na ako upang maglakad patungo sa may likuran ng mansion.
Makipot ang daang dinaanan ko dahil halos tubuhan na ang katabi ng mansion kaya naman aray ako nang aray sa tuwing madadali ng mga kahoy o dahon ang sugat ko sa tuhod.
"Kasi naman! Ang malas!" malakas na reklamo ko habang pinapaypayan ang aking sugat gamit ang aking kamay.
Umayos ako ng tayo bago malakas na bumuntong hininga upang ikalma ang aking sarili. Maliwanag pa ang daraanan kaya't agad akong nagsimulang maglakad patungo sa bayan. Maaga kasi kaming pinauwi kanina dahil wala na namang gagawin kaya maaga rin akong makakapunta sa bar kung saan ako nagtatrabaho.
Sana hindi masiyadong marami ang customer dahil paniguradong mapapagalitan ako kung sakaling mabagal ang pagkilos ko mamaya. Kakaunti kasi kaming waitress at halos lahat ay nagsasayaw na.
Napaismid ako. Kung marunong lang akong magsayaw. . .
Muli akong tumigil sa paglalakad bago kinuha ang salamin sa aking bulsa. Sinipat ko pa ang likod ko dahil baka may sumusunod sa akin--- hindi naman ako nag-aasume na susundan ulit ako ni Yvvo --- pero wala naman.
Nagkibit-balikat ako at tiningnan ang repleksiyon ko sa salamin. Alam kong napapantastikuhan ang ibang motoristang dumaraan kapag nakikita akong tinitingnan ang sarili sa salamin pero wala akong pakialam.
Kahit wala na akong pera, kailangan ko pa ring maging maganda.
Nang masigurong wala akong dumi sa mukha at hindi naman oily ang balat ko ay saka ko ibinalik sa aking bulsa ang dala kong salamin. Sunod ko namang inilugay ang aking mahaba at kulot na buhok. Baka kasi mamaya ay tuksuhin na naman ako ni Izaak kapag doon pa ako naglugay ng buhok. . .
Liwanag pa nang umalis ako sa hacienda ngunit madilim na nang makarating ako sa bar. Bukod kasi sa malayo ang kailangan kong lakarin ay masakit pa rin ang aking tuhod kaya naman pa-ika-ika ako kung maglakad.
"Bakit ang aga mo na naman?" kaswal na tanong sa akin ni Izaak nang makalapit ako sa puwesto niya.
Ipinatong ko ang aking braso sa lamesa at naghalumbaba. "Baka gabihin ako masiyado, e," pagod na sagot ko.
"Why do you look so tired?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at humikab. "Kakagaling ko lang sa isa kong trabaho, e. Naglakad lang ako papunta rito."
His brows drew in a straight line while looking at me. "May isa ka pang trabaho?" tila hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo naman. Pangalawang trabaho ko 'to," kaswal na sagot ko bago tumingin sa kaniya. "Nasaan na ang apron ko? Mukhang may bagong customer doon sa table number 4."
Malakas siyang bumuntong hininga bago tumalikod sa akin. Kinuha niya ang apron ko mula sa cabinet at iniabot sa akin. "Are you sure you're all right?" tanong niyang muli.
"Oo naman. Bakit naman hindi?" kaswal na sagot ko at kinuha na sa kaniya ang apron ko. Mabilis ko naman iyong naisuot. "Una na 'ko."
He nod his head as an answer. Nagkibit-balikat naman ako at tinalikuran na siya upang maglakad papunta sa table number four. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay may humawak nang kamay sa aking palapulsuhan.
Nang mag-angat naman ako ng tingin ay bumungad sa akin ang mukha ni Izaak. "Bakit? May problema ba?" takang tanong ko sa kaniya.
"You can rest first."
Agad na nagsalubong ang aking dalawang kilay dahil sa sinabi niya. "Ha?"
"I mean, doon ka muna sa puwesto ko. Ako na ang magseserve sa table number four," pagpapaliwanag niya ngunit nanatiling nakakunot ang noo ko. Mukhang napansin naman niya iyon nang malakas siyang bumuntong hininga bago binitiwan ang aking palapulsuhan. "Magpahinga ka muna."
"P-Pero may trabaho ako. . ."
"Kakaunti pa ang customer. Gigisingin na lamang kita kapag marami na," he casually retorted.
My brows arched an inch once again. "Lagot ako sa Dad mo kapag nalaman niyang natulog ako sa trabaho. Saka binabayaran niyo ako rito para magtrabaho at hindi matulog," mahinahon kong pagtanggi.
He let out a harsh breath before looking towards my knee. "Ayos lang ba ang paa mo? Bakit parang pilay ka?" tanong niyang muli.
Napatingin naman ako roon. Dahil naka-cargo pants ako ay hindi niya nakita ang sugat mula roon. Kaswal akong nagkibit-balikat. "Sugat lang."
Muli siyang napailing matapos marinig ang sagot ko. "Matulog ka muna roon sa puwesto ko. May sofa roon, puwede kang makapagpahinga kahit papaano."
"Pero bawal nga. . ."
"Anak ako ng boss mo kaya sundin mo ako," he cut my words off.
Mahina akong bumuntong hininga bago napalabi. "Sabi mo sa akin, empleyado ka lang din tapos ngayon. . ."
"Riley," may halong pagbabantang tawag niya sa pangalan ko.
Napalabi ako bago muling bumuntong hininga. "Okay po, Sir."
"Sabi ko, Izaak na lamang, hindi ba?"
Maloko akong ngumiti sa kaniya bago ako nagkibit-balikat. "Anak ka pa rin po ng boss ko kaya dapat po kitang igalang," I said with a hint of mockery on my voice.
He sighed. "Riley," muling suway niya kaya't nginitian ko lamang siya bago ako tumalikod upang pumunta sa karaniwang puwesto niya roon sa may bar counter.
Umikot pa ako para lang makapasok sa puwesto ni Izaak. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng 'space' ni Izaak. Medyo mataas kasi ang counter kaya para sa akin na medyo kaliitan, hindi ko agad makikita ang nasa likod niyon hangga't hindi ako lumiliyad.
Kaswal akong umupo sa mahabang sofa kung saan ko nakitang nakaupo si Izaak kahapon. Masiyadong malaki ang sofa kaya naman hindi ko na napigilan ang aking sarili na mahiga.
I immediately closed my eyes when my back touched the soft mattress of Izaak's sofa. Magkano kaya ang bili niya rito? Mas malambot pa yata ang sofa niya kaysa sa mismong kama ko, e.
Humikab pa ako bago mariing ipinikit ang aking mga mata. Ilang araw na akong kulang sa tulog kaya naman hindi na ako nahirapan pang magpaantok. Slowly, I felt myself getting succumb
into deep slumber.
****
Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng tugtog sa paligid ko. Nakasimangot kong iminulat ang aking mga mata. Ano ba naman ang pumasok sa isipan ni Izaak at hinayaan pa akong matulog dito. . . sa maingay na bar.
Dali-dali akong bumangon kaya naman may kung nahulog mula sa aking katawan. When I looked at it, it was a jacket---- a leather jacket that Izaak was wearing a while ago to be exact. Kunot-noo ko naman iyong tiningnan.
My eyes landed towards the wall clock's direction. Agad namang namilog ang aking mga mata nang makita kung anong oras na.
"s**t," mahinang bulong ko sa aking sarili at mabilis pa sa alas quatro na umalis sa sofa.
Sa ikatlong pagkakataon, muli akong natigilan nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Nakaupo siya sa stool habang seryosong umiinom ng alak at nakatingin sa direksiyon ko.
Wala sa sarili akong napalunok nang magtagpo ang aming mga mata. Tinaasan naman niya ako ng kilay bago muling uminom sa alak niya.
"Y-Yvvo. . ."
"Iniwan mo ako."
Taka ko siyang tiningnan. "H-Ha?"
He hissed as he placed the shot glass on the table before he looked towards my direction. "I waited for you a while ago but you already left. Saan ka dumaan?"
"Hinintay mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
"Your knees aren't okay. Naglakad ka na naman papunta rito?"
"W-Well. . ."
Malakas siyang bumuntong hininga. "Mas lalong hindi gagaling 'yan kung---"
"Riley!" Sabay kaming napatingin nang tawagin ako ni Izaak. Pumasok siya sa counter at taka kaming tiningnan ni Yvvo. "Kumusta ang tulog mo? Dapat natulog ka pa, mamaya pa ang tapos ng shift mo."
Sinamaan ko siya ng tingin bago iniabot sa kaniya ang jacket niya. "Lagot ako kapag nalaman ng Daddy mo na natulog ako buong shift ko. Baka ibawas pa 'yon sa suweldo ko."
"Don't worry. Naipagpaalam na kita," he said and winked towards me. Napasimangot naman ako.
Nilalandi niya ba ako?
Tumikhim si Yvvo kaya naman napatingin sa kami ni Izaak sa direksiyon niya. Agad namang kumunot ang noo ni Izaak at lumapit sa akin. "Is he bothering you, huh?" bulong niya.
Mabilis akong umiling. "U-Uh, hindi naman. Ano Izaak, siya nga pala si Yvvo. Pinsan siya ng boss ko sa unang trabaho kaya boss ko rin siya," pagpapakilala ko at itinuro si Yvvo.
Izaak turned his head towards Yvvo's direction. Saglit silang nagkatinginan bago niya muling ibinalik ang tingin sa akin. "Sigurado kang hindi ka ginugulo?"
Yvvo cleared his throat once again. "Sinasabi mo bang minamanyak ko si Riley?" Tila naiinis niyang tanong kaya agad na nanlaki ang mga mata ko.
"U-Uh, ano Yvvo, boss ko rin kasi siya. Anak siya ng boss ko kaya tulad mo, boss ko rin siya," pagpapaliwanag ko at tipid na ngumiti sa kaniya. "He's just worried. Pasensiya na."
Malakas na bumuntong hininga si Yvvo. "Gaano bang karami ang boss mo?"
"Mayroon pa ba bukod sa amin?" dagdag na tanong naman ni Izaak.
Napakamot naman ako ng ulo at nahihiya silang tiningnan. The corner of my lips quirked up. "Pasensiya na kayo, kailangang magsipag, e."
Sabay naman silang napabuntong hininga nang marinig ang sagot ko. Hindi ko naman mapigilang mapalabi. Ano naman kung hindi lang sila ang boss ko? Pati ba naman sa trabaho, kailangan loyal ako?
"Malapit nang matapos ang shift mo, Riley. Ihahatid na kita sa sasakyan mo," pagpepresinta ni Izaak.
"Ako ang sasakyan niya."
"Hoy!" Malakas na suway ko kay Yvvo dahil sa sinabi niya. Pinanliitan ko siya ng mata kaya't taka niya akong tiningnan.
"What? Totoo namang sa akin ka sasaka---"
"Ang halay mo, Yvvo Fontanilla," I cut his words off. Tumingin naman ako sa gawi ni Izaak at nahihiyang ngumiti. "Ang ibig niyang sabihin, sa motor niya ako sasakay."
Napatango naman si Izaak dahil sa sinabi ko. "Are you sure he's safe?"
"Excuse me?" reklamo ni Yvvo kaya't muli ko siyang pinanlakihan ng mata.
Muli akong tumingin sa gawi ni Izaak bago ko hinubad ang suot kong apron. "Pasensiya na kung natulog lang ako buong shift ko, ha? Babawi na lamang ako bukas, I swear. Aagahan ko nalang ang pasok ko."
"All right. Mag-iingat ka pauwi, ha?" bilin niya kaya't mabilis akong tumango.
Yvvo cleared his throat once again. "Tara na, doll," aya niya.
Muli akong tumingin sa gawi ni Izaak at tipid siyang nginitian. "Mauuna na ako. Salamat ulit."
He just smiled at me as I bid my farewell. Dali-dali naman akong lumabas mula sa puwesto ni Izaak at sinalubong si Yvvo.
"Let's go?"
"Sinong may sabi na sasama ako sa 'yo?" mahinang tanong ko upang hindi marinig ni Izaak bago siya tinalikuran.
I heard him groaned. "Dali na. Huwag ka ng makulit. Tingnan mo nga 'yang sugat mo---"
"Gagaling din 'to."
"Napakakulit mo talaga. Why the heck did I met such a stubborn woman, huh?"
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad. Sumabay naman siya sa akin kaya't muli akong napasimangot.
Bakit ba ang kulit niya?
"Ang pangit ng boss mo. Magb-boss ka na nga lamang, 'yong pangit pa," reklamo niya kaya't napaismid ako.
"Sarili mo ba ang tinutukoy mo?"
"Excuse me?" reklamo niya kaya't muli akong napalabi.
"Excuse you," pamimilosopo ko.
"Doll, don't you think you're being too harsh on me?"
Tumigil ako sa paglalakad bago siya nilingon. "Puwede bang tigilan mo na ang pagsunod sa akin? If you think I'm harsh, then quit following me around."
Akala ko ay magagalit siya dahil sa sinabi ko ngunit hindi tulad ng inaasahan ko ay may sumilay na mapaglarong ngiti mula sa kaniyang mga labi. Muli naman akong napalunok nang magtagpo ang mga mata namin.
"Fortunately, I like girls who are harsh on me more. Nagbago na ang taste ko."
"Ano? Ako ba, pinaglololoko mo?"
He smirked as he leaned closer towards me. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi. "Of course not, Doll. I am not fooling around when it comes to you."