10

1802 Words
“Riley, hindi ganiyan ang tamang pagpapakain sa kalabaw. Ano ba naman iyan, ilang taon ka nang nagtatrabaho rito pero pamali-mali ka pa rin sa trabaho.” Bahagya akong nag-angat ng tingin at nahihiyang tumingin kay Mang Herman. Nakapamaywang ito at nakaangat ang kilay habang binabantayan ang ginagawa ko. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. “Pasensya na po, Mang Herman. Hindi na po mauulit,” paghingi ko ng paumanhin. Malakas siyang bumuntong hininga at nailing na ibinaba ang dalawang gallon na may lamang gatas. Kinuha niya iyon sa iba pang kalabaw kanina at dadalhin na sa mansion kaya naman siya kong ipinagtaka nang ibaba niya iyon sa harapan ko. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. “Ano pong gagawin ko sa mga gatas na iyan?” tanong ko. “Malamang dadalhin mo sa mansion. Ikaw na ang magdala at ako na ang bahala riyan sa mga kalabaw.” Kung normal sigurong araw ngayon ay natuwa na ako sa sinabi niya ngunit iba kasi ngayon. May sugat ang tuhod ko dahil sa pagkakadapa ko kahapon. Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko at tumakbo agad ako nang hindi man lamang sinusuri kung sino ang sumusunod sa akin. Napa-assuming ko kasi. “K-Kasi ano, Mang Herman. . .” “Oh ayaw mo? Minsan na nga lang magmagandang loob tapos---“ “Joke lang po!” Mabilis na pagbawi ko sa dapat na sasabihin ko. Magmamagandang loob na nga lang, naninisi pa. Tipid akong ngumiti sa kaniiya bago magkabilang-kamay na binuhat ang dalawang galong gatas na ibinigay niya. “Sabi ko nga po, susunod na.” Napailing pa siya bago ako nilampasan upang ipagpatuloy ang pagpapakain sa mga kalabaw. Napalabi naman ako at akmang maglalakad na nang bahagyang kumirot ang aking tuhod dahil sa sugat na natamo ko kahapon. Idagdag pa na mabigat ang buhat ko. . . ah, s**t. Nakasimangot at paminsan-minsan ay ngumingiwi ako habang paika-ikang naglakad papunta sa mansion ng mga Ongpauco. Medyo malayo ang pastulan ng mga kalabaw at tanghaling tapat na kaya naman ay hindi maiwasang tumulo ng pawis sa aking noo. Ano ba naman ‘yan? Tanghali pa lamang, haggard na ako. Masakit na nga ang tuhod dahil sa sugat, masakit ang balikat dahil sa bigat ng dalang gallon ng gatas, at higit sa lahat, pangit pa! “Why the heck are you doing all of these?” Muntik na akong madapa dahil sa gulat nang may biglang umagaw sa buhat kong mga gallon. Ni hindi ko na napansin na may nakasunod pala sa akin. Kagat-labi akong tumingin sa kung sino iyon ngunit agad ding gumuhit ang pagtataka sa aking mukha. “B-Bakit mo inagaw?” reklamo ko. My eyes met his bloodshot eyes. I swallowed the lump on my throat and looked down to shift my fgaze from him towards the gallon of milk on his hands. “Akin na ‘yan,” dagdag ko pa at akmang aagawin ang gallon ngunit agad niya iyong naiiwas kaya’t hindi ko naagaw. “Bakit ka nagbubuhat ng mabibigat na bagay? Hindi ba at may sugat ka sa tuhod? Dapat nag-isip ka muna bago mo binuhat. Saan ka pa ba galing? Baka kanina mo pa buhat bagay na ‘to samantalang ang laki ng sugat sa tuhod mo. Hindi ka ba nag-iisip? Sino ka ba sa tingin mo? Si Wonder Woman?” mahabang litaniya niya. Hindi naman mapipgilang umawang ang aking mga labi nang marinig ang sinabi niya. Talaga bang sinesermonan niya ako? Kunot-noo ko siyang tiningnan dahil doon. “Bakit ba ganiyan ang reaksiyon mo? Nagbuhat lang naman ako. . .” “Exactly! Hindi ka na dapat nagbubuhat ng ganitong mga bagay lalo pa’t may sugat ka. Paano kung madapa ka na naman? Ano na lamang ang gagwin mo, ha?” Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sermon niya. Para namang may choice ako kung bubuhatin ko o hindi. “Ano naman sa ‘yo kung magbuhat ako?” Mula sa aking kinatatayuan ay hindi nakatakas sa aking mga mata ang bahagyang panlalaki ng kaniyang mga mata dahil sa sinabi ko. Ilang segundo siyang natigilan ngunit agad ding nakabawi. “I’m just worried, okay? Stop assuming things.” Agad akong napangiwi dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago ko siya tinaasan ng kilay. “Mister, hindi kita type. At hindi rin ako nag-aassume kung ‘yan ang iniisip mo. Kaya nga ako nagtatanong para hindi na ako mag-assume.” “I’m just asking---“ “Ako rin naman. Nagtatanong lang din naman ako,” pagputol ko at akmang aagawin na ang gallon sa kaniya ngunit muli niyang iniiwas. Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kaniya. “Ako na nga,” may diing sambit ko ngunit sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. “Pinaglololoko mo ba ako?” He lifted his shoulder in a half shrug before he started walking away while carrying the gallon of milk that I was supposed to carry. Malakas akong bumuntong hininga at hinayaan na siya. Wala rin namang magagawa nag pagpapabebe ko dahil masakit naman talaga ang tuhod ko. Papahirapan ko pa ba ang sarili ko kung may ‘mabuting tao’ na ang nagpresinta na gawin ang trabahong dapat ako ang gagawa? Patakbo akong sumabay sa paglalakad sa kaniya ngunit agad ding napangiwi dahil sa biglaang pagkirot ng aking tuhod. Napalingon naman siya sa gawi ko nang hawakan ko ang balikat niya para kumuha ng suporta upang hindi ako matumba. “Are you okay?” Mabilis na tanong niya at ibinaba ang gallon ng gatas. Ipinilig niya ang ulo sa aking direksiyon at hinawakan ang aking balikat. “Does it hurt?” Tumikhim ako at umayos na ng tayo. Walang gana ko siyang tiningnan. “Malamang masakit. Ikaw kaya ang madapa at magkasugat ng ganitong kalaki?” pamimilosopo ko. Agad na nagsalubong ang kaniyang kilay nang marinig ang sinabi ko. “Are you f*****g making fun of me?” “Huwag mo akong ma-f*****g f*****g. Kadiri ka.” Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa aking balikat kaya’t napaayos siya ng tayo. “Ano? Pagbubuhatin mo pa ba ako niyan o ikaw pa rin ang magbubuhat. Sabihin mo na agad Mister para kung ayaw mo ng buhatin, mabuhat ko na.” He tsk-ed. “Then fine. Carry it yourself.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa direksiyon niya. Aba’t! Plastik ko siyang nginitian bago nagbaba ng tingin upang kuhanin ang gallon ng gatas. Pasimple pa akong umirap sa kaniya nang mabuhat ko iyon. “Ang dami mong trip,” nailing na komento ko bago siya tinalikuran. Narinig ko naman ang malakas niyang pagbuntong hininga nang talikuran ko siya. Taas-noo naman akong naglakad palayo kahit na paika-ika pa rin ako dahil paminsan-minsan ay kumikirot ang sugat ko at dahil na rin sa bigat ng dala ko. Hindi naman ako tinulungan ni Yvvo na siyang hindi ko ikinatuwa. Umasa pa naman ako kanina na gentleman siya pero katulad din pala siya ng ibang lalaki rito. Pare-pareho silang mga gago. Napaismid ako nang maalala ang mukha niya kanina habang nakangisi at sinasabing ako na ang magbuhat. Ano ‘yon? Pinaasa niya akong tutulungan niya ako tapos hindi naman pala? Tumingin ako sa taas habang naglalakad at agad na napangiwi dahil sa sikat ng araw. “Lord, pasensiya na po sa gagamitin kong salita pero. . . bakit naman po napakaraming gago sa mundo tulad ni Yvvo Fontanilla?” mahinang bulong ko. “May sinasabi ka bang masama tungkol sa akin?” Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may magsalita sa aking tabi. Sumabay siya sa akin sa paglalakad habang nakataas ang isang kilay. “Narinig kong binannggit moa ng pangalan ko,” he added as he shoved his hands onto his pockets. Umismid ako. “Mali ang rinig ko. Sabi ko, ang daming ibon. Hindi Yvvo,” palusot ko pa at mas binilisan ang aking paglalakad. A soft chuckle escaped his lips. “Oh really? I have a bird, too—“ “Ang halay mo!” suway ko at tumigil sa paglalakad upang tingnan siya nang masama. Mas lalo naman siyang tumawa habang nakatingin sa akin. “Alam mo bang ang bastos mo? Babae ako tapos sasabihan mo ako tungkol diyan sa ibon mo. . .” Muli siyang tumawa at mapanlokong ngumisi sa akin. “Oh, doll. I didn’t know that your mind is as tainted as mine, huh?” “Pinagsasabi mo?” Naguguluhan kong tanong sa kanjya at masama siyang tiningnan. ‘For your information, hindi ako bastos. Ikaw ang bastos sa ating dalawa kaya huwag mo akong sisihin---“ “What I meant was I have a pet bird. It’s a parrot.” Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan matapos marinig ang sinabi niya. P-Parrot. . . “Hindi ko naman alam na green minded ka pala. You honestly look so innocent to me---“ “Inosente ako, ano!” segunda ko at sinamaan siya ng tingin. Muli namang sumilay ang mapaglarong ngisi sa labi niya kaya’t mas lalong kumulo ang aking dufgo. “Ikaw naman kasi, hindi mo agad sinabi na may alaga kang parrot. At saka ang halay ng pagkakasabi mo kaya I can’t help but to. . .” “But to?” tila nang-aasar niyang tanong. Muli ko siyang inirapan bago nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin kaya’t muli akong napasimangot. Bakit ba kasi siya sunod nang sunod? May atraso ba ako? “Hey, doll. I’m asking. You can’t help but to what?” Muling tanong niya at pumantay sa akin. “Answer me, huh?” I rolled my eyes as I looked at him boredly. “Sir, may trabaho po ako,” pormal ngunit may halong inis na sambit ko sa kaniya. Nagkibit-balikat siya sa akin. “Sagutin mo muna ang tanong ko. You can’t help but to what?” Tumigil ako sa paglalakad at naiinis siyang tiningnan. “I can’t help but to assume that you’re talking about your friend down there,” walang hiyang sagot ko sa kaniya bago siya nilagpasan habang buhat ang dalawang gallong gatas. Muntik na naman akong mapasigaw nang bigla niyang agawin ang hawak ko. He suddenly leaned closer to me with a smirk etched on his lips. “So my doll has a dirty mouth, huh? Interesting,” sambit niya bago humiwalay sa akin at dire-diretsong naglakad palayo habang buhat ang dalawang gallon na kanina’y buhat ko. My lips parted because of what he did. “H-Hoy! Mali ang iniisip mo! Hindi ako bastos!” sigaw ko at akmang hahabulin siya ngunit kumirot na naman ang sugat ko sa aking tuhod. I gritted my teeth out of frustration while looking at his back. I looked heavenward while faking a cry. “Lord, bakit naman po kayo nagpadala ng taong katulad ni Yvvo Fontanilla?” ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD