Kalayaan. Malakas akong napabuntong hininga bago dinama ang lamig ng hangin na tumatama sa aking katawan. The eerie silence and the coldness of the night somewhat calmed my entire system, bringing peace on my chaotic mind. Wala sa sarili akong napangiti dahil ngayon ko lamang naramdaman ang damdaming iyon. Ang saya ng pagiging malaya. “Are you cold?” Rinig kong tanong ni Yvvo at mas binagalan pa ang pagpapatakbo ng motor. Marahan akong umiling bago mas hinigpitan pa ang yakap sa kaniyang beywang. I rested my head on his back and closed my eyes. “Ayos lang,” mahinang sagot ko sa kaniya. “Malapit na tayo sa hacienda kaya huwag kang mag-alala, huh? If you’re not feeling well, tell me. Baka mahulog ka kapag nakatulog o nahimatay ka.” Tumango na lamang ako bilang sagot sa tanong niya. “Y

