“How’s your sleep?” Bahagya akong napaatras nang pagbukas ko ng pinto ay mukha agad ni Yvvo ang aking nakita. Nakasuot siya ng shorts at putting sando samantalang kitang-kita ang pagtulo ng ilang butil ng bawis sa kaniyang leeg at noo. Napalunok ako dahil sa tanawing bumungad sa akin pagkagising na pagkagising ko. I cleared my throat as I smiled awkwardly towards him. “A-Ayos lang naman. Ikaw b-ba?” “Great, of course. Hindi ko na kailangan pang mag-alala sa ‘yo,” kaswal na sagot niya sa akin bago nagkibit balikat. Kinagat ko ang aking ibabang labi bago bahagyang nagbaba ng tingin sa kaniya upang hindi niya makita ang pamumula ng aking pisngi. I cleared my throat. “U-Uh, kanina ka pa gising?” I asked to divert the topic. “Uh-huh. Nagwork-out ako kaya maaga akong gumising,” nakangiting

