“At bakit hindi ka pumasok sa hacienda, ha?” Walang lakas akong nag-angat ng tingin kay Nanay nang hilahin niya ang kumot na kanina pa nakabalot sa aking katawan. I swallowed the lump on my throat before answering her. “M-Masama ho kasi ang pakiramdam ko, ‘Nay,” mahinang sagot ko sa kaniya. Sa halip na tingnan kung ayos lamang ang lagay ko ay inihagis niya ang kumot at tiningnan ako nang masama. “Gaga ka ba?!” Malakas na sigaw niya kaya’t agad akong nagbaba ng tingin dahil sa labis na takot. “Kung hindi ka pumasok, ibig sabihin, wala kang pera! Tanginang ‘yan, pera na nga lamang ang ambag mo sa bahay na ‘to, pati ba naman iyon ay ipagkakait mo pa?” Hirap akong bumuntong hininga bago mariing pumikit nang makaramdam ng labis na pagkahilo. Hindi naman talaga ako dapat aabsent sa trabaho

