“Kita nalang tayo bukas sa hacienda,” paalam ko kay Yvvo bago ko ibinalik sa kaniya ang kaniayng helmet. Yvvo nodded, a yawn escaped his lips. Wala sa sarili naman akong napalabi habang nakatingin sa kaniya. “Palagi ka na tuloy napupuyat dahil hinihintay mo pa akong umuwi. Alam mo naman ang trabaho ko tapos hinihintay mo pa rin ako,” sita ko ngunit sa halip na seryosohin ako ay mahina lang siyang tumawa. “Lalo na ikaw. Kaya ko namang matulog nang maghapon sa hacienda kung sakali mang mapuyat ako pero ikaw---“ “Hindi ako puyat, ano,” mabilis na pagsisinungaling ko sa kaniya. “Nakita mon a ba akong inantok sa hacienda, ha?” “Oo nam—“ “Hindi pa,” muling pagputol ko sa sasabihin niya kaya’t muli siyang tumawa. “Wala kang nakita,” dagdag ko pa. Yvvo laughed once again as he leaned closer

