“Hindi mo na naman talaga ako kailangan pang ihatid araw-araw,” mahinang sambit ko nang iabot sa akin ni Yvvo ang helmet na kalimitan kong isinusuot. He groaned. “Doll, heto na naman ba tayo?” “Ang sa akin lang, ano nga naman ang iisipin ng ibang tao lalo pa’t nakikita nila tayong magkasama? Baka isipin nila, pineperahan kita o kaya naman ay sugar daddy kit---“ “I am not that old to be your sugar daddy, Doll,” mabilis niyang reklamo kaya’t mahina akong tumawa. “Hindi naman sa ganoon. Like alam mo na, ‘yong sugar daddy na bibigyan ako ng kung ano mang gusto ko. Allowance every month kapalit ng panandaliang aliw.” Yvvo heaved a deep sigh before glancing towards my direction. “Doll, hindi naman kita binibigyan ng pera o allowance. Hindi mo rin naman ako binibigyan ng aliw--- I mean, you’

