“Bati na kayo?” “Hmm?” I turned my head up towards Izaak’s direction when he suddenly spoke. “Tapos na ‘yong order?” He chuckled as he shook his head. “I’m asking you, Riley.” “Ano ngang tanong mo? I’m sorry, I was just too pre-occupied----“ “By Yvvo?” He cut my words off. Napalabi naman ako bago nahihiyang kinamot ang aking batok. I smiled sweetly towards him and that made him heaved a deep sigh. “Hindi pa ba kayo nakokontento sa mga oras na mag-kasama kayo sa hacienda?” My lips puckered. “Nagtatrabaho ako sa hacienda, ha. Baka iniisip mo, nakikipaglandian lang ako roon,” mabilis na pagtatanggol ko sa aking sarili. Izaak chuckled making me pout more. “I didn’t say anything, Riley. Ikaw na ang nagsabi niyan,” naiiling na tanong niya bago isinalin ang alak sa baso. “Ano nga ulit ‘yon

