RILEY ALDANA POINT OF VIEW. “Ate Riley, don’t you think it’s still too early? I mean, hindi mo naman kailangang kausapin si Kuya lalo pa’t mukhang hindi pa naman siya ayos.” I weakly turned my head up to look towards Iris. Inilapag niya ang baso ng tubig sa side table bago humarap sa akin. “Hindi makakatulong sa recovery mo kung pipilitin mo lang ang sarili mong kausapin si Kuya Iverson. Sabi mo, gusto mo nang maging ayos para masabi mo na sa kanila ang totoo, hindi ba?” she asked softly. Malakas akong bumuntong hininga at nagbaba ng tingin upang iwasan ang kaniyang mga mata. “Kaya nga gusto ko nang makausap ang Kuya mo, Iris. Alam kong hindi siya ayos kaya kailangan niya ako sa tabi niya. Kailangan niyang malaman na hindi niya naman dapat sisihin ang sarili niya,” mahinahong pagdadahil

