Mabibigat ang aking hininga habang nakasakay sa loob ng sasakyan nina Iris. Katabi ko si Iris at kasama sa sasakyan si Tito Damon. Sina Tita Ivy, ang kambal, at si Iverson naman ay lulan ng isa pang sasakyan. Iverson wants to ride the same car with me but Iris did not let him. Mula nang malaman niya na hindi ako sa kuwarto ko natulog nang isang gabing iyon, hindi na niya pinalapit pa si Iverson sa akin dahil ‘nandidiri’ raw siya. I know what she’s thinking but I just shrugged it off. “Are you nervous?” Iris asked as she put down the documents that she’s been reading since we got here in the car. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya bago marahang tumango. Sino ba naman ang hindi kakabahan, hindi ba? “Do you want to watch or listen the trial, Riley? O ayaw mo silang makita?” Ibinaling k

