“Ayos nga lang ako. Mas magaling ka pa sa mismong nakakaramdam,” mabilis na pagdadahilan ko at agad na nag-iwas ng tingin kay Yvvo. He sighed for the umpteenth time, making me groan out of frustration. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ayos pero hindi naman porque hindi ako ayos ay hahayaan ko na siyang malaman ang pinagdaraanan ko sa buhay. Ang problema ko ay problema ko lang. Hindi siya kasama sa problema ko at wala na akong balak pang madamay siya dahil sa mga kagagahan ko sa buhay. I know he’s just concerned but. . . but I know that I’m still not ready to open up to anyone. Hinding-hindi ako kailanman magiging handa. Kung kaya ko pa, bakit ako hihingi ng tulong sa iba? “Doll, stop lying---“ “Hindi nga ako nagsisinungaling, napakakulit mo,” pagputol ko sa dapat ay sasabihin

