“Anong ginagawa mo sa kuwarto namin ng Tatay mo?” Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa kaba bago itinuro ang nakabukas na cabinet. “’N-Nay, s-saan ho galing ‘yang mga bag na iyan? Hindi niyo naman po binili ang mga iyan, hindi ba?” Agad na umarko ang kaniyang mga kilay bago ipinagkrus ang dalawang braso. “Ano naman sa ‘yo kung akin ‘yan? May magagawa ka ba, ha?” “Pero ‘Nay. . .” Umawang ang mga labi ko nang lumapit siya patungo sa direksiyon ko at marahas na isinara ang cabinet. Bahagya naman akong napaatras nang lumingon siya sa gawi ko at tinaasan ako ng kilay. “Huwag mo akong ma-pero pero. Hindi ba’t binilinan ka namin ng Tatay mo na huwag kang papasok dito sa kuwarto namin? Ganiyan ka na ba talaga, ha? Hindi ka na marunong sumunod? Ganiyan ka ba namin pinalaki, ha? Pinalaki

