“Ay naks naman, pink na pink ang mag-ina, ah?” Mahina akong natawa nang marinig ang sinabi ni Delaney. Tumayo siya mula sa kinuupuan at sinalubong kami ni Isla. Nang makalapit ay agad niya itong binuhat at pinaghahalikan sa pisngi kaya’t hindi ko maiwasang mapailing. “Kanina ka pa rito? I’m sorry, we’re late. Hindi ko naman alam na grabe na pala ang traffic dito,” tanong ko sa kaniya. Delaney chuckled as she guide us towards the seat that she reserved for us. “Hayaan mo na, Filipino time, ganoon,” biro niya kaya’t muli akong napailing. Pinagtatawanan niya pa yatang late kaming dumating, e. Inuupo niya si Isla sa tabi niya samantalang doon naman ako naupo sa upuang kaharap nila. Hindi na naman nagreklamo si Isla kaya’t napaismid ako at hinayaan na lamang sila. Palagi naman na ako ang k

