“’Di ba close kayo no’ng isang Fontanilla? ‘Yong pinsan ni Ma’am Danielle? Bakit hindi na kayo nag-uusap?” Muntik na akong masamid sa pag-inom ng tubig nang marinig ang sinabi ni Ate Andeng. Bahagya akong natigilan at malakas na bumuntong hininga. “Hindi kami close, Ate,” mahinang sagot ko at sumimangot. “Sus. Anong hindi? Hindi ba’t palagi ka niyong pinapakain sa mansion noon? Bakit ngayon, hindi ka na pinapakain?” Umismid ako at muling bumuntong hininga. “May pagkain kasi sa bahay namin,” bad trip na sagot ko at muling uminom ng tubig. Mas lalo naman akong napasimangot nang makita ang pagdaan ni Mickaela sa harapan namin at dire-diretsong pumasok sa loob ng mansion. Kung narito lang sana si Ma’am Danielle, hindi siya makakapasok nang ganiyang kadali rito. “’Te, kailan ba ang uwi ni

