Two red lines. Para akong tinakasan ng hininga nang makita ang lumabas sa pregnancy test na nakapatong sa sink. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman habang nakatingin doon. Dapat ba akong maging masaya na sa wakas ay magkaka-anak na kami ni Iverson o dapat ba akong matakot dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon nina Kuya Harvey? Sigurado akong magagalit siya kay Iverson sa oras na malaman niya. Lalo pa’t hindi kami kasal ni Iverson at ‘aalis’ kami. Kinakabahan kong kinagat ang aking ibabang labi dahil sa kaba habang iniisip ang kung ano mang posibleng sabihin ni Kuya Harvey sa akin at kay Iverson. Itatakwil niya ba ako? Agad akong umiling nang maisip kung itatakwil ba ako ni Kuya Harvey o hindi. Sigurado akong hindi niya ako itatakwil dahil kapatid niya ako at ka

