AMESYL GALVEZ POINT OF VIEW. “You know that this pill has a long-term side effect, right? H-Hindi ‘to pwedeng ibigay nang basta-basta lalo pa’t walang reseta o hindi alam ni Doc. You’re a nurse, you should have known!” Malakas na sigaw ko nang sabihin niya sa akin kung anong gamot ang ibinigay niya kay Riley. Minasahe ko ang aking sintido at hindi alam kung saan titingin. f**k! “Kailan pa siya puupunta rito? Ilang beses na siyang humingi sa ‘yo ng gamot? Gaanong karami?” Sunod-sunod na tanong ko bago muling humarap sa nurse na kausap ko. “P-Pangatlong beses n-na. N-Noong una, hindi siya nakakapagsalita. B-Binigyan niya lang ako ng sulat saka nag-abot ng pera.” Hindi ko mapigilang bumuntong hininga. At least, alam ko na hindi siya nagsinungaling na hindi siya nakakapagsalita. But I sa

