AMESYL GALVEZ POINT OF VIEW. “’Tay, kumusta?” I smiled bitterly as I sat on the side of his tombstone. I gently wiped it to see his name clearly. “Ilang buwan din po akong hindi nakabisita. A-Ang mahal kasi ng pamasahe pauwi rito sa Batangas. H-Hindi kasi ako maihahatid ni Harvey kasi. . .” Nagbaba ako ng tingin nang maramdaman ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. I tried so hard not to cry these past few days because I’m trying my best to be all right while waiting for the perfect time to confront Riley once again. “’Yong kapatid kasi ni Harvey, nagt-theraphy pa, ‘Tay. P-Pasensya na, huh? S-Sabi ko noong huling bisita ko, hindi ako babalik dito hangga’t hindi ko kayo nabibigyan ng hustisya pero heto ako ngayon, wala pa ring nagagawa para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niyo

