Prenteng sumandal si Iverson habang pinagmamasdan ang tanawing dinaraanan nila. Alam niyang mukha siyang baliw kakangiti habang nakatingin sa kawalan ngunit wala na siyang pakialam.
Being free is by far one of the most satisfying feeling that he ever felt.
Kahit na mahal na mahal niya ang mga kapatid at magulang, hindi niya naman hahayaang matali siya sa mga ito habang buhay. He's already twenty eight years old but he still haven't bought his own house just because his family doesn't want him to move out. Para siyang teenager na kailangan pang magpaalam sa magulang o mga kapatid bago umalis ng bahay. Freedom is something that was taken away from him ever since. And now that he finally have it, Iverson can't help but to feel euphoric.
Dahil sa saya, agad niyang inilabas ang telepono sa bulsa upang i-videocall ang mga pinsan. And as usual, they all answered his call.
"Hi!" He energetically greeted them.
His eldest cousin, Dylan Fontanilla, heaved a deep sigh. Nakasuot ito ng uniporme at nakasimangot. "I'm on duty," naiiling na sambit nito. "I f*****g miss my wife."
Mahina siyang tumawa. "Parehas akong wala niyan, Kuya Dylan. I don't have a work. . . and most importantly, I don't have a wife. Thank God!"
"Come on, Iverson. Alam naman nating mambabae ka lamang diyan sa Batangas kaya ka pupunta," striktang saad naman ng pinsan niyang si Maurice Fontanilla. Tulad ni Dylan ay tila nasa trabaho rin ito kaya naman walang nagawa si Iverson kung hindi ang tumawa.
"Ano ba naman 'yan, halatang-halata na stressed kayo ni Kuya Dylan. Come on, bakit ayaw niyong gumaya sa amin ni Ate Danielle? No love, no work---"
"Hey, I'm working kaya!" Mabilis na segunda ng pinsang si Danielle bago iniikot ang hawak na telepono. That made Iverson saw his cousin's surroundings. Nasa labas nga ito ng bahay at mukhang nagtatrabaho sa hacienda.
His brows immediately drew in a straight line as his eyes narrowed while looking towards the screen. "Ate Danielle, can you show me your place once again?"
Danielle brows' furrowed. "Why? May problema ba?" tanong nito at muling inilibot ang camera sa paligid.
"Stop! Stop!" Agad na pigil ni Iverson nang tumapat na ang camera ng pinsan sa tanawing gusto niyang makita. A playful smirked etched on his lips. "Pretty."
"Anong maganda sa kalabaw?" tanong ng pinsang si Dylan kaya't mas lalong napangiti si Iverson.
His eyes landed on the girl wearing a brown top and a cargo pants. Naka-braid ang buhok nito at nakangiti habang pinapakain ang kalabaw na tinutukoy ng pinsang si Dylan.
"Hindi talaga kayo same vibes ni Iverson, Kuya Dylan," natatawang sambit ng pinsang si Maurice sa kabilang linya. "He's looking towards that girl, o. 'Yong naka-braid."
Agad namang tumango si Iverson bilang pagsang-ayon. Inalis na naman ni Danielle ang pokus sa babaeng nakita niya hanggang sa mukha na ng pinsan ang nasa screen. "Alam mo, Iverson, 'yang mata mo talaga ang problema sa 'yo," naiiling na sambit ng pinsan.
Iverson chuckled. "I'm a pilot. Dapat lang na malinaw ang mata ko."
"'Yang mata mo, malinaw lang sa magagandang babae," Danielle stated in a matter of fact tone. "Kakaiba ka na talaga. Sakit na 'yan, Iverson."
"Ano namang sakit ko? Kaguwapuhan?"
Maurice rolled her eyes. "Kalandian, Iverson. Kalandian ang sakit mo."
Wala naman siyang nagawa kung hindi ang ngumiti sa mga ito. Hindi naman siya tatanggi. He is really a flirt, a playboy, a womanizer. . . anything. Basta mahilig siya sa babae.
Dylan laughed upon remembering something. "Tanda niyo 'yong babae sa Spain? Sinampal ako kasi hindi niya masampal si Iverson dahil baka raw masira ang mukha."
"Tapos 'yong babae pa sa Malaysia noong nagbakasyon tayo na sinabunutan si Danielle kasi akala niya nilalandi si Iverson," dagdag pa ni Maurice na siyang nagpatawa sa kanila.
Mahinang tumawa si Iverson at nahihiyang tumingin sa mga naiiling na pinsan. He scratched his nape while flashing a small and awkward smile.
"Bakit ba kasi tayo nagkapinsan ng ganiyan? United Nations yata ang goal ng gago. Mister Grand International ka?" biro ng pinsang si Dylan kaya naman muli siyang tumawa.
Wala, e. Sa isip niya, wala naman siyang magagawa sa kaguwapuhan niya. Those girls are the one who made the first move. Sinakayan niya lamang ang trip ng mga ito.
"Alam niyo kasi, mga pinsan, we only live once. Saka narealize ko kasi na hindi kami compatible ng mga foreigner kaya tatangkilikin ko na lamang ang sariling atin," biro pa niya. Agad namang sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi nang maalala ang babaeng nakita niyang nagtatrabaho sa hacienda ng pinsan.
Walang-wala ang mga babaeng may gusto sa kaniya sa ibang bansa sa kagandahan ng babaeng nagtatrabaho sa hacienda. Hindi na tuloy siya makapaghintay na makilala kung sino ito.
Danielle grimaced upon hearing what he said. "Iverson, iba ang mga babae rito. Busy sila sa trabaho at walang oras na sakayan ang trip mo."
"E 'di sila ang sasakayan ko. . ." Wala sa sariling sambit niya. Sabay-sabay namang napabuntong hininga ang kaniyang mga pinsan kaya't nginitian niya na lamang ang mga ito.
"Sabi ni Tito Damon, magpaka-good boy ka raw diyan. Hindi niya sinabing makipaglandian ka," pangaral ni Maurice na sinang-ayunan ng iba pa niyang pinsan.
Iverson's lips puckered. "Ngayon na nga lamang ako nakawala sa paningin ng mga kapatid ko, hindi ko pa susulitin. Para namang hindi niyo kilala sina Iris. Hindi na ako ng mga iyon papakawalan kapag nakabalik na ako sa Maynila," reklamo niya.
"Mas lalong hindi ka makakawala kung pagbalik mo rito sa Maynila, lima na ang panganay mo," biro ng pinsang si Dylan kaya't sinamaan niya ito ng tingin.
Danielle knocked on the wooden table infront of her. "Kuya Dylan, h' wag ka ngang ganiyan. Baka biglang magkatotoo," pangaral nito.
Napakamot naman sa ulo si Iverson. Wala naman sa plano niya nag makabuntis ng kung sino man sa probinsiya. He's aware that having child is something that he should not joke around with. Sapat na sa kaniya ang sakit ng ulo na idinudulot ng kaniyang mga kapatid.
And it's a responsibility. . . a commitment that he doesn't want to sign up for. Kaya nga puro siya flings at ayaw mag-girlfried. Commitment and love isn't on his vocabulary.
"Inosente ako sa mga ganiyan, Kuya Dylan. Having my own family is a no. Saka tingin niyo ba ay pakakawalan ako ng tatlo kong kapatid?" Natatawang tanong niya na agad ding sinang-ayunan ng mga pinsan.
"I gotta go. Baka mahuli akong nagcecellphone," paalam ng pinsang si Dylan. "Magtino ka ha, Iverson?"
He chuckled. "Matino naman ako."
Napailing naman ito at umalis na sa videocall nila. Sunod namang nagpaalam si Maurice dahil ayon rito ay may trabaho pa rin siyang kailangang asikasuhin.
"Mamaya na lamang tayo mag-usap sa bahay, Iverson. I need to do something important pa pala," pagpapaalam din ni Danielle nang makaalis sa tawag ang dalawa.
Akmang papayagan na niya ang pinsan nang may maalalang bagay na hindi niya pa naitatanong dito. "Wait, Ate Danielle. I have some question," pigil niya sa pinsan.
Danielle's brows arched an inch. "What is it? I swear Iverson if it's about the girl earlier--"
"Right." He cut her words off as he flashed a small smile. "What is her name?"
His cousin frowned. "Come on, couz. Wala kang mapapala sa mga babae rito. They won't flirt back, I swear."
"I'm just asking her name, okay? That's it," he answered casually as he lifted his shoulder in a half shrug.
Danielle sighed. "Fine. Basta don't do anything to her, ha?"
"Of course. I just want to know her name. You know, out of curiousity."
Nag-angat ng tingin sa kaniya ang pinsan at naiiling na kinamot ang ulo na animo'y nag-aalangan kung sasabihin o hindi. Nginitian naman ni Iverson ang pinsan. "I'm your favorite cousin, right? Come on, Ate Danielle," pilit niya pa rito.
She sighed as a sign of defeat. Mas lalo namang napangiti si Iverson dahil doon.
"Riley. Her name is Riley."
----