Habang papalapit si Jarred sa resort, napansin niya ang dalawang security guard na kausap nila ang tila mag couple na guest, nagrereklamo ang mga ito ukol sa kanilang mga nawawalang kagamitan. Wala namang ibang pinaghinalaan si Jarred kundi si Royet lang. Ito lang kasi ang dayo rito na may kakayahang gawin iyon upang may magamit ito sa kanyang pagtakas. Pero ang malaking tanong niya kung nag pang-abot na ba sila ni Jenan ulit? Alam niya na matapos makakuha si Jarred ng mga kagamitan mula sa guests, isusunod nito ang pagnakaw ng kotse. With that in mind, Jarred headed into the parking lot. Ngunit hindi niya inasahan ang tagpong naabotan niya roon na awtomatiko siyang napamura at napasandal sa pinakamalapit na kotseng naka park. Jenan. Pero hindi ito nag-iisa roon. Pinanood lang niya an

