Sinigawan ni Reagan ang mga tauhan niya na tumakbo. Nagsimula na kasing lumiyab ang buong silid at anumang oras ay sasabog na ang buong gusali. Dali-dali namang lumayo roon si Jarred at nagpalinga-linga siya sa kapaligiran baka sakaling makasalubong pa niya ang mga tauhan ni Reagan o di kaya ang mga pulis. Nangingibabaw ngayon sa pandinig niya ang pagsabog at ang sirena ng mga bombero. Nagpatuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa mamataan niya ang isang naka park na kotse sa unahan. Mukhang pamilyar sa kanya ang bumper ng kotse at doon lamang niya nakumpirma nang tuluyan na siyang makalapit dito. Hindi nga siya nagkakamali dahil ang kotseng iyon ay ang kotseng ginamit niya kanina na tinangay ni Jenan. Inilibas naman ng dalaga ang ulo nito sa bintana. "Sakay na." Ayaw niyang magbago ang

