An Invitation

1364 Words
Giorgia's POV "I've heard na nag-apply ka sa correctional?" Bahagyang nawala ang ngiti ko noong marinig ang tanong na iyon ni Gabrianna. Wala kase siyang kaalam-alam sa plano ko. Actually, silang lahat. I didn't bother to tell because I don't want them to get worried. For sure hindi nila ako papayagan kapag nalaman nila ang tungkol doon. Nakapagpasa na ako ng resumé noong malaman nina lolo Zach at lola Aloja. Si Gabrianna naman, dahil ngayon lang bumalik makalipas ang isa't-kalahating taon na pamamalagi sa Pilipinas, wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa akin at sa kung ano ang mga ginagawa ko. Hindi ko ugali ang mag-update. And they knew that. "Well, it's my first day today. Hinatid pa nga ako ni Thiago," kaswal na sabi ko saka muling ngumiti at nilaro-laro ang botchog na si Iya. The bouncy baby kept on looking and smiling at me. Huminga ng malalim si Gabrianna. Sa peripheral vision ko ay nakikita kong tinititigan niya ako. "Ang buong akala ko pa naman ay pangarap mong maging Imperial physician," naiiling na sabi niya. Muli kong nilaro-laro si Iya. Hindi ko mapigilang balikan sa alaala ko kung ano nga ba ang pangarap ko noong unang salta pa lang kami ni Gabrianna sa lugar na ito. Back then, iniisip ko na napaka-cool magtrabaho sa palasyo at makisalamuha sa mga monarch na nandoon. Pero habang nagtatagal kami ni Gabrianna sa imperyong ito at unti-unti kong nakikilala ang mga taong nakakasalamuha namin, hindi ko inaasahan na, magbabago rin ang mga gusto ko sa buhay. I don't want to please the monarch anymore. I don't want to work with them and be their slaves. Dahil wala pa akong nakitang royal blood o mga kamag-anak ng hari na down to earth. Halos lahat sila ay may kanya-kanyang kayabangang taglay sa katawan. Kung hindi nga siguro na-impluwensiyahan ni Gabrianna si Dera Roswell na pangsiyam na prinsesa ng kaharian, tsk, for sure, isa ang prinsesang iyon sa mga spoiled brat at masyadong entitled na royal blood. "Well, naisip ko lang, baka ungkatin lang nila sa akin ang issue ni mama noon. So para malayo ako sa gulo, mas minabuti kong sa Correctional na lang mag-apply. Bukod sa walang pakialam ang mga presong andoon, mas malaki rin naman ang sweldo na makukuha ko," pagdadahilan ko sa kanya sabay kibit-balikat. Sa totoo lang, sa maraming taon na pamamalagi namin dito sa Leischen Empire, never ko pang narinig ang mga tao na binanggit ang tungkol sa pagtakas ni mama lola noon at pagpapakasal niya sa lalaking hindi naman taga-rito. Si mama ang kauna-unahang anak ng duke ang tumakas at tumanggi na magpakasal sa isang miyembro ng royal family. Tinakasan niya ang crown prince na ngayon ay isa ng hari. Kung hindi siguro lumayas si mama lola noon, siya marahil ang nakaupo sa trono at tinatawag na reyna ng buong imperyo. Malamang, wala sana kami at hindi rin namin malalaman na may nag-i-exist na ganitong kaharian. Pero kahit na hindi ko naririnig sa taong bayan ang pambabatikos kay mama at sa ginawa niya, hindi pa rin ako nakakasiguro lalo na kung sa mismong palasyo na ako magtatrabaho. Syempre, iba ang takbo ng isipan ng mga taong nasa bakuran ng palasyo kesa sa mga ordinaryong mamamayan. Huminga ng malalim si Gabrianna. Dahan-dahan itong naglakad saka naupo sa tabi ko. May dalawang invitation card siyang iniabot sa akin. From what seal that I saw, it's from Taran's house. Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay. "Why are you giving this to me?" "Red is a good friend of mine but sadly, I can't attend his engagement. I'm hoping that you can go there in my stead," "Bukas na ng gabi 'to ah. Hindi ka makaka-attend?" nagtatakang tanong ko. Sinipat-sipat ko ang invitation card na ibinigay ni Ianna at napansin kong bukas na ang gaganaping engagement. "Haist. As much as I want to attend, I don't want to ruin his fiance's day. Alam mo naman na noon pa lang ay hindi na kami magkasundo ni Lady Vivoree. At isa pa, bukas din ng umaga naka-schedule ang flight namin ni Shan pabalik ng Pilipinas," "Why it's addressed to me?" curious na tanong ko habang sinisipat ng tingin ang magarang invitation card. Tiningnan ko ang isa pang card at umigkas ang kilay ko pataas nang makita ko kung kanino naka-address 'yun. To Grand Duke and Duchess of Derwent. "Because I told him. Para ikaw na lang ang magbigay ng personal gift ko sa kanya," simpleng sagot ni Gabrianna. "Bakit kunot na kunot ang noo mo?" nagtatakang tanong niya saka tiningnan ang isa pang invitation. "Kailan dumating 'yan?" pagbabalik ko ng tanong kay Gabrianna. "Kanina lang. Dinala ang mga 'to ng iisang messenger mula sa Taran's House. "The Grand Duke and Duchess of Derwent..." nulas sa labing anas ko. It's their her great-grandparents noble titles when they were still a noble before. "Hmmm, nagtataka rin ako. Kanina lang people are calling me 'Lady Derwent', just what is the meaning of that?" nagtatakang tanong ni Gabrianna. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin. Wala akong kaalam-alam dahil masyado akong naka-focus sa paghahanap ng trabaho this past few months. Ni hindi ako lumalabas sa Aleotti Manor kapag wala naman akong ibang sadya sa Lieschen Capital. Though we are aware that my great-grandparents are the former duke and duchess of Derwent dukedom. It's the highest royalty rank, and second only to the King. Rumor said that the people in The Grand Duchy of Derwent have their own laws and was a fully independent state. Dahil sa ginawang pagtakas ni mama lola noon, si lolo Zach Mismo ang nagpatanggal sa titulo nila at sa halip na tumira sa Palasyo ng Derwent, mas minabuti nilang manirahan sa Aleotti Manor kung saan malayo sa mga tao at sa lahat. Though matagal ng nawala ang titulo nina lola Aloja at lola Zach, nakapagtataka nga naman na iginagalang at minamahal pa rin sila ng mga tao. Even the people in the University were all accommodating and respectful towards me and Gabrianna. "Ano iniisip mo?" curious na tanong ni Gabrianna. Nagkibit lang ako ng balikat. "Naisip ko lang, hindi kaya magalit ang Hari at Reyna kapag nalaman nilang ina-address ng isa sa matandang pamilya sina lolo at lola ng Duke of Derwent?" Si Gabrianna naman ang napaisip sa tanong ko. Napakunot-noo siya at kitang-kita ko ang labis na pag-aalala sa maganda niyang mukha. Well, who would not worry? the title Derwent is one of the powerful titles in the whole kingdom. The books said that a Derwent can even change the law of the monarch. Just how powerful is that? "Stop worrying about it. We can just ask them about that," sabi ko sabay tapik sa balikat ni Gabrianna na napatango na lang. "Haist. I don't think I can stay here much longer. Masyado na kaming busy ni Shan sa pagpapalago ng negosyo namin. So ikaw na ang bahala kay lolo at lola, Gigi," punong-puno ng emosyon na wika ni Gabrianna sa akin. Sa maraming taon na pamamalagi dito sa Leischen, napamahal na sa amin ang dalawang matanda maging ang mga taong nakapalibot sa kanila. They're all loving and caring kaya naman hindi nakapagtatakang kamahal-mahal sila. "Oo nga pala, if you don't have any dress to wear, just go to my wardrobe. We have the same size anyway, and I have a lot of dresses na hindi ko pa naisusuot. Bukas na ang engagement party kaya alam kong hindi ka na makapagpapatahi pa ng personalized gown," Tumango ako. Well, that's true. And since wala na si Gabrianna na siyang madalas umattend sa mga social gatherings, ibig sabihin lang ay wala na akong ibang choice kung hindi ang umattend din dahil hindi naman kaya ng konsensya ko na si lolo at lola lang ang aattend sa mga nasabing social gathering. Tsk. Wala pa man ay kinakabahan na ako. Hindi ako nag-aalala noon dahil nandiyan si Gabrianna na siyang always ready to go sa mga ganoong uri ng pagtitipon. "Relax, I know you can do it," pang-aalo ni Gabrianna sabay tapik sa likuran ko. Hindi ko tuloy alam kung bino-boost niya ba ang confidence ko o tinatakot niya lang ako? Tsk. Bahala na si batman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD