Feeling Warm and Happy

1585 Words
Giorgia's POV "Thanks," sabi ko kay Thiago na matiyaga akong ihinatid sa Aleotti manor. Alam kong nakokonsensya s'ya dahil pinag-opera ba naman ako sa unang araw ng pasok ko. Tss. "Hindi ka ba muna papasok?" tanong ko noong hindi s'ya bumababa sa sasakyan n'ya. Usually naman kapag bumababa ako, kasunod ko na s'ya kaagad. At kahit hindi ko naman s'ya iniimbitahan na kumain sa mansion, makapal talaga ang mukha n'ya dahil sobra pa sa sobra ang pagka-feel at home. "Ahm, maybe next time," aniya habang nakatitig sa isang parte ng manor. Nakataas ang kilay na sinundan ko ng tingin ang lugar na tinitingnan n'ya. The garden? "May problema ba kayo ni Ariana? Inaway mo? Inaway ka?" nakakunot-noong tanong ko ng sunod-sunod. Si Ariana lang naman ang mahilig maglagi sa green house kaya isang tingin ko pa lang alam ko na kung ano o sino ang tinitingnan n'ya. "Ah.. uh.. i-it's not like that." It's not like that pero nabubulol s'ya sa pagsagot? "C'mon tell me. Anong ginawa mo sa tita ko?" Nakahalukipkip kong tanong. "Kahit na tita ko 'yun, mas bata iyon sa akin kaya kung may pinaplano kang hindi maganda sa kanya, dadaan ka muna sa ibabaw ng bangkay ko," may pagbabantang sabi ko kay Thiago. Kahit matalik pa kaming magkaibigan, hindi ko papayagan na bully-hin n'ya ang napakahinhin kong pamangkin. Ariana is a very sweet human being. She's only twenty five at walang kamuwang-muwang kung gaano kabangis ang mundo. Her ability? Kaya n'yang buhayin kahit na anong uri ng halaman. Pinagkakaguluhan s'ya ng lahat lalo na ng royal family dahil sa kakayanan n'yang mas mapaganda ang vitality ng mga halaman. She's also immune to all kinds of poison. Hindi naman sa ginawa s'yang tester. Nagkataon lang na natuklasan namin iyon noong natuklaw s'ya ng wild snake habang namamasyal kami sa kagubatang nasa likuran ng Aleotti manor. "I-i didn't do anything alright?! Natotorpe akong manligaw. Ano bang pinagsasabi mong may ginawa ako sa kanya?" Natutureteng sambit n'ya. "Wala nga akong magawa kase natataranta na ako kapag kaharap ko s'ya," dagdag n'ya na para bang lamok na bumubulong. "Hmm?" tama ba ang narinig ko o baka naman nagkamali lang ang tenga ko? "Ah...eh...bye! You're scary!" Mabilis na minaniobra ni Thiago paalis sa tapat ko ang kotse n'ya at mabilis na pinaharurot iyon palabas ng manor. Kitang-kita ko ang pagb-blush n'ya habang hindi maintindihan kung saan n'ya isisilid ang kanyang sarili. That's interesting. Hindi ko inaasahan na type n'ya pala ang pamangkin ko. Hay. I'm a bit worried about him. Andito na ako na malaking back up n'ya hindi pa s'ya sumipsip? Konting pang-uuto n'ya lang at pakikipagnegosasyon tutulungan ko naman s'ya kung gusto n'yang manligaw ng maayos kay Ariana. Kaso wala eh. S'ya na mismo ang nagsabing torpe s'ya. Nagkibit ako ng balikat saka naglakad papuntang green house kung saan naroon si Ariana na mahinang humuhuni ng lumang kanta. "Are you busy?" "Oh, hey bunso," nakangiting tumingala s'ya mula sa pagbubungkal ng lupa. Bunso is a tagalog word for the youngest in the family. Noong una ay hirap na hirap pa s'yang banggitin iyon pero sa ilang taong pagsasama namin ay normal na lang na lumalabas sa bibig n'ya ang salitang iyon na matiyagang itinuro ni tita Gabrianna sa kanya. Sabi ni Gabrianna, kahit na mas matanda ako ng ilang taon sa kanila iyon daw dapat talaga ang itawag sa akin since pamangkin na nila ako. Nagkibit na lang ako ng balikat. Wala namang problema kung ano ang itawag namin sa isa't-isa. We're still a family. "Mukhang marami kang kliyente ngayon," sabi ko saka naupo sa isang monoblock chair. I'm using the native Leischen language since hindi naman bihasa sa salitang tagalog si Ariana. She's fluent in English and German, pero sa ibang lengguwahe mga simpleng greeting sentences lang ang alam n'ya. "It's from Her Grace Charlotte the Dutchess of Dale. Her lady in waiting said that the dutchess loved these different colors of poppy flowers. Natutuyo na sila noong dinala dito. Mabuti na lang at naagapan ko," magkahalong english at Lieschen language ang paboritong gamitin ni Ariana. Pero kahit anong lengguwahe pa iyon, nagkakaintindihan kaming lahat ng maayos. "Kamusta pala si lola?" "Ayon dahil nabo-bored siya, nagpabili na naman s'ya ng crochet yarn kaninang umaga at ginawan ka n'ya ng bonnet na kulay blue. Si lola, palagi na lang mga panlalaking kulay ang iginagawa para sa'yo. " Napapailing na sambit ni Ariana. "It's because I looked cool wearing those colors," nakangising sabi ko. I am our lola's great granddaughter but she loved me the same. "Hay naku, kaya ikaw ang gustong-gustong bigyan palagi. Hindi ka kase nagrereklamo, Bunso," natatawang sabi pa ni Ariana. May inilagay s'yang kung ano sa mga paso ng bawat poppy pagkatapos bungkalin ang lupa. "Bumisita ba si tita Gabrianna? Sabi nya dadaan daw silang mag-anak dito?" Tanong ko noong maalala ko ang chat ng pamangkin kong magaling kaninang umaga. "Ah, nandoon sila sa kwarto n'ya kanina noong lumabas ako sa bahay. Baka nasa living room na sila ngayon. May business trip daw dito si kuya Shan kaya dito muna sila ate Gabrianna ng dalawang linggo. Tuwang-tuwa si lola sa isa niya pang great-grandchild. Pink na pink ang kulay tapos singkit din kagaya ni kuya Shan," nakangiting pagkukwento pa ni Arianna. "Ow? Nandito si Shannia?" Bigla naman akong na-excite. Sa gc ko lang nakita ang cute na cute na anak nila tita Gabrianna at Uncle Shan (at first tinawag ko lang siyang uncle para mang-asar pero sa halip na ikaasar iyon ng mag-asawa, natuwa lang sila kaya naman hindi ko na binago ang tawag kong iyon sa asawa ni tita Gab) Muli kong na-imagine ang cute na cute na anak ng dalawa. Botchog na botchog na baby girl ang kanilang panganay. "Ikaw, Bunso? Kailan mo planong mag-anak?" Nang-aalaskang tanong sa akin ni Ariana na pinagtaasan ko lang ng kilay. "Hindi mo muna ba itatanong kung may boyfriend na ako? Anak kaagad ang hinahanap mo?" "Oh," namilog bigla ang bibig at mga mata ni Ariana. Natawa na lang ako saka tumayo. Excited na akong mapisil ang mabibintog na mga pisngi ni Shannia. "Mauuna na ako sa loob, Arian," "Sure. Susunod na rin ako pagkatapos na pagkatapos ko dito," Mabibilis ang mga hakbang na nagtungo ako sa mataas at malapad na front door ng mansion. Naabutan ko sa magarbong mala-ballroom na living room ang mag-anak kasama si lola na nakaupo sa rocking chair n'ya. "Bunsoooooo!" Kaagad na tumayo mula sa pagkakahilata si Gabrianna noong makita ako. Sumisigaw na agad at patakbong lumapit sa akin. Sinalubong n'ya ako ng mahigpit na yakap saka ako pinupog ng halik sa buong mukha. "Eww!" reklamo ko. But I don't feel gross. It's just a reaction. I'm feeling warm and happy inside. "Gigi," si Shan naman ang humalik sa pisngi ko. Naalala ko, noong unang buwan ng relasyon nilang dalawa, ilag na ilag sa akin ang intsik na 'to. Pero ngayon kaswal na kaswal na kung makitungo s'ya sa lahat. Na para bang belong na belong talaga s'ya sa pamilya namin. Natiis nilang hindi magkita at mag-usap ng sampung taon. Noong muli silang magkita, kaagad plinano ang kasal at parang isang linggo lang silang nagkahiwalay. Pina-imbestigahan ko si Shan. Hindi naman ako na-dissappoint noong malaman ko kung gaano s'ya katapat sa marupok at super loyal kong tiyahin. "M-ma...ma..ma," marahang gumapang ang botchog na baby papunta sa akin. "Mama?" Nagtatakang tanong ko kay Iana. "Well ate Onyx demanded to be called mama. So sabi namin why not call you and her mama? Shannia called me mimi anyway," "Ohh," nagningning ang mga mata ko at nakaramdam ako ng saya sa puso ko na napaka-rare mangyari. "Kamusta si tita Onyx?" bigla kong na-miss ang bayolente kong tiyahin. Sa aming tatlo siya ang pinakamadaling mag-init ang ulo. Ayaw niyang may naririnig na hindi maganda laban sa amin dahil lumilipad talaga ang palad niya sa kung sino mang magsalita ng hindi niya magugustuhan. "Ayon, binisita ko sa France bago ako magtuloy dito. Ang guess what?" nangingislap ang mga matang tanong ni tita Gab na noon ko lang nakita sa kanya. "What?" "Well, she's falling for her neighbor. A hot daddy with a very pretty daughter!" Umigkas pataas ang kilay ko. "A widower?" manghang tanong ko. "Nope. He's a single dad," "Oh... then, as long as she's happy," sabi ko na lang sabay kibit ng mga balikat ko. Si tita Onyx ang tipo ng babaeng hindi nagpapa-abuso kaya naman alam kong hindi siya mapagsasamtalahan ng kahit na sino. "Don't worry, with us being her family, who will dare hurt our little Onyx?" Inirapan ko si tita Gab. I just called her tita because it's what I'm supposed to call her since she's my father's younger sister. But when it comes to age, me and ate Onyx are both older than her. But then, I am glad I belong in our family. Kahit na mas madalas na hindi siya sumusulpot sa mga pangyayari sa buhay ko. At habang tinitingnan ko ang magandang anak ni tita at uncle hindi ko tuloy mapigilang isipin ang prinsipeng na-demote into a commoner na nakakulong sa highest security prison. Nai-imagine ko na kung gaano rin kaganda at kagwapo ang magiging anak n'ya. " Ma..ma...ma," Mabilis akong bumalik sa kasalukuyan noong marinig ko ang malambing na tinig. Tinampal ako ng maliliit pero botchog na mga daliri sa pisngi. "Hi, Iya. Hello," nakangiting binuhat ko ang paslit na anim na buwan pa lamang. " Ma..ma...ma," tuwang-tuwa na hinaplos-haplos nito ang mukha ko na para bang tumagos sa puso ko ng sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD