A Request

1274 Words
Giorgia's POV Napapagod na naupo ako sa swivel chair. Maglilimang oras akong nag-perform ng aneurysm surgery. The patient is lucky. We arrived just on time. "You owe me bigtime, Ailin," tiningnan ko ng masama ang kaibigan kong parang nalugi ng milyon. Hindi n'ya ba alam na confidential ang pagiging surgeon ko? Tapos s'ya pa itong lantang gulay na akala mo s'ya ang gumawa ng surgery. Tsk. I'll be dead if someone knew! Who on Earth will believe that I have satisfactorily completed two of an approved residency training program and have passed a rigorous specialty examination? I'm just twenty nine years old! Kaya ayokong ipagsigawan sa mundo ang kakayanan ko. As much as possible I want to have a normal life. I just got bored kaya pinagsabay ko ang dalawang residency. Noong una ay laro-laro lang ang lahat, hanggang sa ayaw na akong igive-up ng propesor ko sa neurology pero ayaw na rin akong pakawalan ng kilalang neurosurgeon professor sa University. They've been patient and amazed! Even my family are not aware about my achievements. Ang alam lang nila ay isa akong neurologist. "I'm sorry G. Don't worry, nobody will know that. You're right, I owe you big time. Bawi ako sa susunod," sinserong humingi ng paumanhin si Thiago sa akin. Kung paano nakasanayan n'ya akong tawing G, nakasanayan ko na rin s'yang tawagin s'ya sa apelido n'yang Ailin. "Hmm, I have a request," "Kaagad-agad?!" bulalas n'ya sa madiing Leischen language. "Umn," hindi ko maalis sa isipan ko ang mukha ng lalaking 'yun. Parang pamilyar ang aura n'ya pero hindi ko alam kung bakit ganoon. Kanina ko lang s'ya nakita. Despite the dangerous air around him, hindi ko maipaliwanag kung bakit safe ang pakiramdam ko. I don't feel threatened at all. "I-i'm broke," pabulong na sambit ni Thiago. Pinagtaasan ko s'ya ng kilay. "Who need your coins?" "Aray! " " I want information," Tinitigan ako ng matagal ni Thiago. Hindi ko rin alam sa totoo lang kung ano ba ang plano ko sa buhay. Siguro dahil nab-bored na naman ako kaya itong lalaking preso naman ang pinagt-tripan ko? "Information? Information about what?" "About the prince whose been demoted into a commoner?" Patanong ko ring sagot. "W-what?! What for?" "I like him. Is that a good reason to you?" walang emosyong tanong ko. " L-like? Gosh, you're really an abnormality that even science cannot explain! Bakit s'ya? Ang dami-dami namang hindi magkamayaw sa panliligaw sa'yo. Even that handsome count is dead over heals to you!" Kitang-kita ko ang stress sa gwapong mukha ni Thiago. Pero hindi ko iyon pinansin. Anong magagawa ko, maghapon ng naglalaro sa utak ko ang mukha ng lalaking 'yun. He's beautiful. Really, really beautiful. "Giorgia Jade! Nakasarado na ang kaso n'ya. Hinatulan na s'ya ng habang buhay na pagkakakulong. Ano? Makikipagrelasyon ka sa preso? He killed five person. And they are of royal blood. Hay! Mababaliw ako sa'yo. Bukas na! Bukas ko na lang kukunin ang hinihingi mo, pwede? Hayaan mo muna ako magpahinga pwede? Aatakehin ako sa puso sa'yo, sa inyo!" Hindi ko pinansin ang pag-aatungal ni Thiago. Kahit noong nasa medical school pa kami, ganyan na talaga s'ya. Mukha s'yang hindi katiwa-tiwala pero magaling talaga ang lalaking 'yan. Kung wala lang siguro akong super ability na namana sa family ni mama, imposibleng malagpasan ko si Thiago. "Oo nga pala, narinig ko na iba na ang CEO ng Aleotti Pharmaceutical Company?" "Really? Who?" hindi tumitingin sa kaibigan kong tanong ko. "Abnormal ka. Bakit ako ang tatanungin mo eh ikaw ang kapamilya? Abnormal ka ba talaga?" naaburidong tanong ni Thiago sa boses na nawawalan na ng pasensya. "Hmm, I guess it's one of the twins," kaswal kong sagot. Mahirap namang asarin ko ng matindi itong si Thiago. Baka hindi ibigay sa akin ang files na hinihingi ko. "O-oh." tanging nasabi n'ya na lang at pinabayaan na ako sa ginagawa ko. At last. Peace. Nagsimula ulit akong i-review ang mga medical files na binigay sa akin ng nurse kanina. Matagal ng kasama ni Thiago dito ang doktor na umalis at pinalitan ko kahapon lang. Maayos lahat ng mga information na iniwanan n'ya. She seemed to be a reliable doctor. May naiwanan na maliit na notebook sa ilalim ng table n'ya. "Do you know what is this?" Itinaas ko sa ere ang maliit na color coding na notebook. Tiningnan naman iyon ni Thiago. "Dr. Ranft loves to take down notes about her patient's behavior. That might help you. Keep that," Oh? A notes about their behavior? Punong-puno ng curiousity na hinanap ang isang pangalan na pinakatinandaan ko sa lahat. Damien Neille Alric Frick. ' He prefer to be alone. Quiet. A bit snob but has a lonely soul. He like reading all sort of books '. Books, huh. Mapapakinabangan ko rin sa wakas ang ga-mansion na library namin sa Aleotti manor. Wala sa sariling napangiti ako. May dahilan na ako para puntahan s'ya araw-araw at masilip ang magaganda pero walang kaemo-emosyon n'yang mga mata. "You're creeping me out," " Then don't look at me," kinuha ko ang notepad saka iyon inilagay sa shoulder bag ko. "Uwi na tayo?" "Alright. Overtime na rin tayo dahil sa surgery na ginawa mo. Hintayin mo ako sa parking lot. Ihahatid ko lang 'tong report kay Director Isidores," Hindi na ako sumagot. Inayos ko na ang mga gamit ko saka ipinatong sa shoulder bag ko ang puting coat na ginamit ko kanina. Under the white coat, I'm wearing a white blouse and a black above the knee pencil cut skirt. Palabas na sana ako pero naisip kong lumiko. I want to look at those beautiful pair of eyes again. Kahit na parang sinasakal ang puso ko sa dahil wala akong makitang kahit akong emosyon sa mga matang 'yun. It's dead. Lifeless. Na para bang walang kaluluwang nakatira sa katawang iyon. "Mr. Frick," Mula sa loob ng malamig na kulungan ay tiningnan ako ng magandang nilalang. Tama ba talaga ba ang term na ginamit ko sa kanya? Whatever. For me he's the most beautiful human being that I've ever meet. "I've forgot something," sabi ko pa. "..." Nanatili s'yang walang kibo. Sumulyap lang s'ya saglit sa akin pero ibinalik na n'ya ulit sa libro ang atensyon n'ya. " Here. A gift." Mula sa bag ay inilabas ko ang masustansyang cookie bar na binigay ng tiyahin kong si Gabrianna sa akin. She loves giving me different kinds of healthy bars. Alam n'ya kaseng tamad akong kumain lalo na kapag naging busy ako sa ginagawa ko. She's a very famous dietitian. Sinong mag-aakala na ang tiyahin kong nagtake ng simpleng techvoc noong senior high ay isa ng kilalang medical dietitian? Atleast, malapit pa rin naman sa passion n'ya ang ginagawa n'ya. Mas naka-focus na nga lang s'ya sa healthy benefits ng mga ginagawa n'yang pagkain ngayon. She's also a pastry chef at pinaghahalo n'ya ang mga natutunan n'ya sa dalawang field para mas maging successful s'ya sa kanyang ginawa. I'm so proud of her. Sampung cookie bar ang ibinigay sa akin ni Gabrianna na punong-puno ng mga healthy fruits and nuts. Nakain ko na ang lima kaya naman lima na lang ang natira. Hinagis ko ang cookies na nakalagay sa isang silk na pouch at maayos iyon na nag-landing sa bakal na higaan. Parang tinutusok na naman ng libu-libong karayom ang puso ko noong mapansin ko ang manipis na kutson na nakalatag sa higaang gawa sa bakal. "Masarap 'yan at walang lason," iyon ang huling sinabi ko gamit ang wikang kinasanayan nila sa bansang ito. Tumalikod na ako at dire-diretchong lumabas. Ni hindi ko na tiningnan ang mga security personel na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Who cares about them?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD