"WHAT'S wrong?" Nag-aalalang tanong ko kay Brianna nang mapansin ko ang mabagal nitong paglalakad, papunta sa unit ko. Mula pa lamang nang lumabas kami ng elevator ay tila kipit na nito ang mga binti sa paglalakad. Nag-aalala ako na baka nahihilo pa rin ito, o nanlalata dahil sa katatapos lamang na orgasmo. Ipinaikot nito ang mga mata at sinamaan ako ng tingin. Gayon pa man, ay hindi kayang itago ng pagsusungit nito ang pamumula ng mukha. Bago pabulong na nagsalita. "Wala akong panty, sinira mo. Naiilang ako maglakad." Malakas akong natawa nang marinig ko ang sinabi niya, kaya't mahina nitong hinampas ang balikat ko upang patahimikin ako. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi upang pigilin ang pagtawa ko, saka ko siya paismid na tiningnan. "Nakipag-inuman ka nga ng wala kang bra..." ani

