ILANG SANDALING napatanga lang ako rito habang ina-absorb ng utak ko ang sinabi nito, at nais na mangyari. "What?" Naka-angat pa ang isang kilay na untag nito sa sandaling pagkatigagal ko. "Do I really have to repeat what i've said?" May kakayahan talaga ang babaeng ito na gulatin ako sa mga bagay na hindi ko kailanman naisip na kaya nitong gawin, at sabihin. Katulad na lamang ngayon. "Love, please, hindi iyan ang solusyon sa problema natin ngayon," Katulad ng lagi na, ay tagpo sa pagitan naming dalawa, kailangan kong ipunin lahat ng self control na mayroon ako sa katawan, upang hindi ito tuluyang angkinin. Sa totoo lang ay maka-ilang ulit nang muntik akong bumigay sa mga ginagawa nito. Ilang beses nang inisip ko, na pagbigyan ang kagustuhan ng katawan ko, na siya rin naman nitong ka

