PAGBABA ko ay inabutan ko sina Mama at Papa sa komedor, kaharap si Kael, at ang mga magulang nito. Naroon din si Aki at nakupo sa kabilang kabisera, kung saan palagi ang pwesto nito kapag kasalo namin sa pagkain. Katabi nito si Nanay na tahimik lang na nakamata sa mga nag-uusap sa harapan niya. Si Nickos ay nakakandong sa Mama ni Kael, na nangingislap ang mga mata habang nakatingin dito. Bakas sa mga mata ang pananabik sa apo. Kaagad na nagliwanag ang mga mata nito, pagkakita sa akin. "Mama!" Masuyo ko naman itong nginitian. "Hi, baby." Tila iisang ulo ang lahat ng naroon na tumingin sa akin. Mabilis namang tumayo si Kael at sinalubong ako. "Hi, Babe." Abot hanggang tainga ang ngiting anito, pagkatapos ay ginawaran ako ng masuyo halik sa pisngi. Mariin akong napalunok at lumipad ang

