MULA nang huling araw na nagka-usap kami ni Ninong Aki, ay hindi na ito muli pang nagpunta sa bahay namin. O, nagpakita sa akin. Alam ko na nagkaka-usap sila ni papa, dahil kung minsan ay pinag-uusapan nila iyon ni mama kapag kumakain kami. Pero wala nang nababanggit si papa tungkol sa pag-aaral ko sa Maynila. Hindi na rin naman ako nangulit, bahala na lang. Baka nga hindi talaga para sa akin ang pag-aaral sa Maynila. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano nga bang pagkakamali ang nagawa ko nang araw na iyon, para tila lumamig ang pakikitungo niya sa akin. Pero kahit ano'ng isip ang gawin ko ay wala talaga akong maalala. Sa kalaunan, ay tinigilan ko na rin. Wala naman nang mangyayari. Papagurin ko lang ang sarili ko na mag-isip. "Huy!" Nangunot ang noo ko at sinamaan ng tingin

