"ENJOYING yourselves?" Kaagad na napaunat ang likod ko, kasabay ng malakas na pagsasal ng kaba sa dibdib ko, pagkarinig ko pa lang ng pamilyar na baritonong tinig na iyon. Kahit yata mahimbing akong natutulog ay hinding-hindi ko iyon maipagkakamali sa iba. Tila nakaukit na iyon sa aking gunita, pati na rin ang may-ari niyon. Mabilis akong nag-angat ng tingin patungo sa nagsalita. At sumalubong sa akin ang walang kangiti-ngiting anyo ng ninong ko. "N-ninong..." maang kong bati dito. Ni hindi ko nga nakuhang tumayo upang magmano, sa pagkabigla. Para akong isang magnanakaw na nahuli sa akto ng ginagawang krimen. Kahit pa nga, hindi ko naman mainitindihan ang dahilan ng madilim nitong mukha sa pagkakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ni hindi ko man lang napansin na nakalapit na p

