PAGDATING NAMIN ay inabutan pa namin ang grupo nina Marga na papasok pa lamang ng St Louis High School. Ang ibang bus ay wala nang laman. Mukhang nakapasok na. Matapos kong tanguan si Aki bilang pasasalamat ay tinungo ko na kaagad ang kinaroroonan ng mga ito upang sumabay na sa pagpasok. Hindi ko na tinapunan ng tingin ang dalawang dalagang kasabay namin, na tila mga anghel sa katahimikan. Bagaman panay ang irap ni Hazel kay Aki. Hindi naman ito pinapansin ng huli na tahimik lang na nagmamaneho. May ticket na rin ako, na inabot sa akin ni Aki kanina nang tanungin ko ito kung saan makakakuha niyon. Ibinigay daw ni Hazel. Hindi ko alam kung ilan ang ibinigay dito ng nobya nito, basta tinanggap ko na lang. Kaya niya nang diskartehan iyon. Palingon-lingon si Marga sa paligid na tila may hi

