Chapter 174

2025 Words

"MULA NANG ARAW NA IYON, HON, mula nang mahawakan ko ang kamay mo, sa unang pagkakataon, subconciously, alam ko na agad... na ang kamay na iyon ang kamay na hahawakan ko, hanggang sa pumuti na ang lahat ng buhok ko. Mula nang araw na iyon, akin ka na. Minarkahan na kita sa puso ko. At alam ko, wala nang ibang magmamay-ari sa akin, kung hindi ikaw. Ikaw lang." "Ano ba? Bakit ka ba kasi sunud nang sunod?" Asik sa akin ni Marga nang lingunin ako. Kunot na kunot ang noo nito at madilim na madilim ang mukha. "Dahil lakad ka nang lakad." Papilosopo kong sagot. Sinamaan ako nito ng tingin. Nakuha pa nitong magtanong ng ganoon? Eh, naikot na yata namin ang buong campus, sa kalalakad niya. Hindi ko alam kung nasaan ang dalawang kaibigan nito, pero nagpapasalamat din naman ako at wala ang mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD