"HINDI! HINDI AKO PAPAYAG! Hinding-hindi ako papayag sa gusto mo! Kahit ikamatay ko, Kit... hinding-hindi mo ako mapapapayag sa gusto mong mangyari!" Nahigit ko ang paghinga ko at tumingala ako kay Aki na akmang bubuksan ang pintuan sa tabi ko. Katulad ko ay halatang nagulat din ito. Maging si Yaya Melba ay halatang natigilan sa narinig naming malakas na sigaw ng mama ko, mula sa loob ng bahay. Huminga muna ng malalim si Aki bago ipinasyang pihitin ang seradura upang ipamalay sa mga tao sa loob ang pagdating namin. Tila iisang ulong bumaling sa direksyon namin ang tatlong nilalang na kapwa mga nakatayo sa gitna ng sala. Magkakaiba ang ekspresyon ng mga mukha ng mga ito. Ang kay Nanay ay labis na pag-aalala, habang kay Papa ay pinaghalong pag-alala at paghihinagpis. At galit naman ang k

