SA ISANG resort sa Batangas ako dinala ni Aki. Hanggang sa maihinto niya ang sasakyan ay nakasimangot pa rin ako at magka-krus ang mga braso sa dibdib, dahil hindi nga bukal sa kalooban ko ang pagsama sa kanya rito. Naiiling na pinatay nito ang makina at bumaba na. "Tch." Wala naman na akong magawa kung hindi ang pumalatak at padabog na bumaba rin ng sasakyan. Ang akala ko ay deretso na itong maglalakad papasok ngunit lumingon ito sa akin, hinintay pa rin ako, hinawakan ang kamay ko at inakay nang papasok. Sandali pa muna itong nakipag-usap sa reception, bago siya binigyan ng susi, pagkatapos ay muli kaming naglakad patungo sa nirentahan nitong cabana. Base sa naulinigan kong pag-uusap nila ng babae kanina, ay napag-alam kong nakapagpa-reserve na ito ng isang unit, kagabi pa, sa isan

