"CAN WE stay here forever?" "Hmm...?" Naka-angat ang kilay na nag-angat sa akin ng tingin si Aki. Nakaupo ako sa kama at nakasandal sa head board, habang nakadapa naman si Aki sa kandungan ko at nakapaikot sa katawan ko ang mga bisig niya. Pikit ang nga mata nito habang masuyong hinahagod-hagod ko ang malambot nitong buhok. Ramdam ko naman ang paglalaro ng isang daliri nito sa tagiliran ko. Pagkatapos naming mag-away kanina ay pinangko ako nito at dinala sa kama, saka iniupo doon. At saka naman siya pumuwesto ng dapa sa tabi ko. "Parang ang sarap ng ganito lang tayo. 'Yung walang ibang involve... 'yung as in tayo lang talagang dalawa. No worries, no complications." Ani ko, pagkatapos ay sinundan ko iyon ng isang mabigat na paghinga. "I missed this kind of us." Naramdaman ko rin ang pa

