Chapter 178

1639 Words

"GAGO KA PALA, EH! Bakit pinilit mo?" Lagpas na ng hating-gabi nang makabalik sa pad si Aki. Isa-isa pa raw kasi nitong inihatid sa kanya-kanya nilang bahay ang tatlo. Hindi na raw umiiyak si Marga, pero ayaw nang makipag-usap ng kahit na anong bagay na tungkol sa akin. Tss. Pagkaalis ng kahuli-hulihang bisita ay kaagad akong kinompronta ni Aki sa kung ano ang nangyari at biglang nagwalk-out ang girlfriend ko. Ex-girlfriend pala. Tng ina. Huminga ako ng malalim, pagkatapos ay mariin kong inihilamos ang dalawa kong kamay sa mukha ko. Pabagsak na inihiga ko ang likod ko sa kinauupuan kong lazy boy at inilagay ang magkasalikop kong mga kamay sa batok ko. Si Aki ay nasa couch at may hawak na beer in can. Dala nito iyon nang bumalik. Pambanlaw daw. Pailalim itong nakatingin sa akin habang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD