"'Pa..." Gising ko kay Papa na may kasama pang tapik sa balikat. Dinatnan namin ito na natutulog sa sala. "Hmm..." unti-unting nangunot ang noo nito habang pikit pa rin ang mga mata at umiba lang ng pwesto ngunit hindi nagmulat. Si Aki ay tila naaaliw na naupo sa pang-isahang sofa. Nakapatong ang dalawang kamay nito sa dalawang armrest at bukang-buka ang mga hita. May maliit at nakakalokong ngiti na nagtatago sa gilid ng mga labi nito habang nakatunghay sa papa kong tila ilang araw nang hindi napagkakatulog dahil sa pangingitim ng ilalim ng mga mata. Ayon kay Aki ay humingi ito ng isang buwang leave sa opisina upang pagbigyan ang asawa. Ayaw diumano itong mawala ng huli sa kanyang paningin kaya't ipinasya ni Papa na mag-leave na muna sa trabaho, kaysa panayin nito ang pag-absent. Pinaya

