"HAPPY BIRTHDAY, SON!" Bati ni Doña Victoria sa anak nang makalapit ang mga ito sa kinaroroonan namin. Kaagad namang yumuko si Aki upang abutin ang ina na hinalikan ito sa magkabilang pisngi. Isang tapik sa balikat naman at mainit ding pagbati ang ibinigay dito ng kanyang ama na tinanguan at nginitian lang ng asawa ko. Tinungo ko naman si Yaya Melba na siyang may hawak sa anak ko. "What took you so long, to wake up, anak?" Tanong ng mama ni Aki habang pumapasok ang mga ito sa loob ng bahay namin. "Kanina pa kami naghihintay doon sa labas. Mabuti nga at nagpresinta na lang itong mag-asawa na siyang kumatok nang kumatok, at kontakin kayo hanggang sa magbukas kayo." Tukoy pa nito sa mga magulang ko. "Masama ba ang pakiramdam ng asawa mo?" Mabuti na lamang at nasa likod ako ng mga ito, bit

