NANDITO ako sa park, sa loob ng subdivision. Ang nakalagay sa katatanggap ko lang na mensahe, mula kay Brianna. Bumangon ako at nagmamadaling pumasok sa walk-in closet, saka humatak na lang ng maong at tshirt mula roon, at saka nagmamadali ring isinuot. Isinusuot ko pa ang tshirt ko habang papalabas ako ng silid, para maka-menos ng oras. Kulang na lang ay paliparin ko ang sasakyan ko patungo sa lugar na binanggit nito sa text. Alas tres na ng madaling araw. Bakit hindi na lang ito nagpasundo sa akin sa bahay, o kahit sa malapit lang sa bahay nila? Maaaring nasa probinsya nga kami, at nasa loob siya ng subdivision, pero hindi pa rin naman one hundred percent na siguradong ligtas siya roon sa masasamang loob. At ayon sa text nito ay naroon na raw ito nang magtext sa akin. Tatlumpung min

