NAPAAWANG ang mga labi ko habang nakatingin sa bagong dating na naglalakbay ang naniningkit na mga mata sa akin, mula ulo hanggang paa. Mariin akong napalunok at humigpit ang kapit sa kumot na siya lamang tumatabing sa hubad kong katawan. Halos hindi ko namamalayan na pigil-pigil ko pala ang hininga ko habang hinihintay ko itong magsalita. "Magbihis ka, Brianna, at saka tayo mag-usap." Kapagkuwan, ay wika nito sa akin, sa malamig na tinig. "N-nanay..." sinubukan kong magsalita upang magpaliwanag pero wala namang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung papaano, at saan ako magsisimula. Sigurado ako na nakita nito ang paglabas ni Aki sa kwarto ko, ngayon-ngayon lang, at pagkatapos ay maaabutan niya ako na halos hubad, at tanging kumot lang ang nakapaikot sa katawan? Swerte na akong mat

