"LOVE, ARE you sure, kukunin natin silang mga ninong ni Baby Maki?" Mula sa aming anak ay lumipat sa akin ang tingin ni Aki, na napakunot ang noo. Bahagya pa nga itong kumekendeng dahil ipinaghehele ang anak namin. Magka-krus naman ang mga binti na nakaupo ako sa kama habang hawak ang listahan ng mga kukunin naming mga ninong at ninang ng anak namin. Medyo may karamihan, pero kasi, ang daming nagpe-prisinta. Lalo na sa side ng mga kaibigan ni Aki. Ang dami nitong kaibigan na nagsasabing magtatampo kung hindi nito kukuning ninong, o ninang. Kasi naman daw, sa lahat sa kanilang magkakaibigan, ay si Aki na lang daw ang ngayon pa lamang makapagpapabinyag ng anak. Kaya't inaasahan daw ng mga ito na ninong, o ninang silang lahat. Iyong iba nga, niloloko pa ang asawa ko, na sa edad daw nito

