""AHH..." DAING KO, bago nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, habang tinitiis ang pagsigid sa kirot ng npple ko dahil sa mariing pagsipsip doon ng gatas ni Baby Maki. Katulad nga ng sinabi ni Nanay, ay nagsugat nga ang npple ko. At talaga namang napapadaing ako sa sakit, sa tuwing dumededè sa akin ang anak ko. Kipit ko ito sa kanang bisig ko, habang ang kaliwa ko namang kamay ay naka-diin sa dibdib ko, habang pinadedede ko ang anak ko. "Masakit?" Napapangiwi pang tanong naman sa akin ni Aki, na nakatunghay sa aming mag-ina, partikular na, sa pagsùso sa akin ng anak namin. Nag-angat ako ng tingin dito, at alanganing tumango. Mababakas sa mga mata ng asawa ko ang pinaghalong pag-aalala at awa sa akin, habang panay ang daing ko, sa sakit ng bawat pagsupsop ng anak ko. Si Mama ay nakaupo

