"WHAT?!" TILA NAMINGI si Kit, na bahagya pang nangiwi nang mag-angat ng tingin sa akin, mula sa cremation pendant na nasa harapan namin. Inabot ko ang bote ng alak sa kamay nito, at ako na mismo ang nagsalin niyon sa baso ko. Kanina pa ako inom ng inom, pero bakit parang hindi ako tinatamaan ng alak na iniinom ko? "Brianna, named him, Angelo," Mahinang kwento ko, kapagkuwan. "...have him cremated, and put his ashes, in that pendant." May mapait na ngiting gumuhit sa mga labi ko. Tumingin ako sa kaibigan ko, na nakatingin sa kwintas sa harapan namin, na tila ba ahas iyon, at ano mang oras ay tutuklawin na lamang siya. "That's the reason why i'm being like this." Mahina ko pa ring sabi rito. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, para maalis ang guilt na lumalamon ngayon, sa buong pagk

