Chapter 27

1320 Words

NANGUNOT ang noo ko nang makita sa caller id ng cellphone ko kung sino ang tumatawag. Bakit ba pakiramdam ko ay hindi maganda ang balitang hatid ng biglaang pagtawag nito? Gayon pa man, ay kaagad ko iyong sinagot. "Pre, nakaistorbo ba ako?" Alanganin pang tanong ng kaibigan ko, pagbukas na pagbukas ng linya. "No. No, not at all. What's up?" Umiiling-iling kong sabi, kahit alam ko namang hindi nito nakikita. "Ipapaalam ko lang sana sa'yo, 'cause I think, you have the right to know. And I should be the first one, to tell you," Lalong tila nais magbuhol ng kilay ko sa tinatakbo ng salita nito. "Brianna, called, and she was asking, kung pwede raw ba na sumama na lang siya sa mga kaibigan niya sa inuupahan ng mga itong apartment. Medyo nakagamayan naman na raw niya ang Maynila, kaya, fee

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD