"KUMUSTA NAMAN anak, ang pagbubuntis mo?" Hindi tumitinging tanong sa akin ni Mama. Katulad ko ay abala rin ito sa pagbobomba ng mga lobo para sa decorations sa nine month old celebration ni Baby Maki. Si Yaya Melba naman at ang isang kasambahay sa mansyon na pinapunta ni Aki kaninang umaga ang katulong namin, at taga-kabit ng mga iyon sa pader. Dahil hindi naman nakakalabas si Mama sa ospital ay dito na lamang namin iyon ginawa sa hospital suite niya. Oh, well, ilang beses na rin naman namin itong ginagawa. Buwan-buwan. Mula nang mapasok si Mama rito. Wala namang bawal sa kanya, bukod sa mga pagkaing malakas talaga makataas ng sugar at cholesterol niya. Malaya siyang nakagagalaw sa silid at wala namang aparatong nakakabit sa kanya. Wala naman nga kasi siyang sakit. Iyon nya lang ay ki

