"YOU DONE PACKING, MOMMY?" Bungad ni Aki sa pintuan ng silid ni Baby Maki. Karga nito sa isang bisig ang anak namin na panay ang hagikgik dahil nilalaro ng ama habang naglalakad papasok. It's my thirty eight weeks of pregnancy, at ayon kay Dra. Salve, anytime daw ay pwede na akong mag-labor at manganak. Kaya't napagkasunduan namin ng mga magulang ni Aki na sa kanila na muna si Baby Maki hanggang sa makapanganak ako. Next month will be our son's first birthday, at ipinasya ng mga magulang ni Aki, particularly her mother, na ibigay na sa panganay na apo ang regalo rito. Mamayang gabi ang flight ng mga ito patungong Tokyo, upang dalhin sa Disneyland ang anak namin. Naisip kong masyado pang baby si Baby Maki para ma-appriciate ang lugar, ngunit hindi ko na lang kinontra ang mga biyenan ko.

