"LOVE, WAKE UP, naka-ilang tawag na ang tatay mo..." "Hmm... ano'ng sabi?" Pahinamad kong tanong. Bahagya pa akong nag-inat ngunit hindi pa rin nagdilat ng mga mata. Antok na antok pa talaga ako. Ano'ng oras na ba? Kanina pa ako ginigising ni Aki pero talagang mahapdi pa ang mga mata ko at hindi ko pa kayang idilat. "Tinatanong kung anong oras daw tayo darating." Sagot ni Aki. "Minsan hindi rin maganda na walang ginagawa 'yung tatay mo, eh. Parang boring na boring sa buhay. 'Yung orasan ang trip bantayan." Kahit nakapikit pa ay hindi ko maiwasang mahinang matawa sa sinabi nito. Binigyan kasi ni Daddy Benedicto ng vacation with pay si Papa para daw mabantayan nito si Mama habang nasa ospital at hindi pa nakakapanganak. Noong una, ay nahihiya pa si Papa na tanggapin iyon, pero sa kapip

