ANG USAPAN namin kahapon na pagpunta sana ni Aki sa bayan, upang magkaroon ng kahit na maigsing moment ay hindi natuloy. Dahil dumating ito sa bahay kanina, kasama na naman ang kababata kuno, raw nito. Na ngayon nga, ay kasalo na naman namin sa mesa. Panay ang mga pasimpleng irap ko sa asawa ko kapag hindi napapansin ng mga kaharap namin sa hapag. "Bri, anak, anong oras ka pala aalis?" Muntik pang napakunot ang noo ko sa tanong na iyon sa akin ni Mama. Mabuti na lang at kahit pinagdirimlan ako ng paningin sa asawa ko, mabilis pa ring gumana ang isip ko. Oo nga pala, at nagpaalam ako rito kaninang umaga na aalis nga, at pupuntang bayan, dahil nga sa usapan namin ni Aki. Pigil na pigil ang pag-ikot ng mga mata ko nang may pag-alalang tumingin sa akin ang magaling na asawa ko. "Ahm...

